Franchesca
Nang makapasok ako sa loob ng room upang magpa kuha ng ID Picture, umupo ako sa cubicle kung saan kami kukuhanan ng ID. napasimangot ako ng makita ko kung sino ang kukuha sa akin ng picture. Bakit siya na naman? What a Bad Day
"Hi miss, sit straight then smile" utos nito
Ngumiti ako pero alam kong pilit ito dahil sa inis sa kumukuha ng picture.
"One more pa, yung genuine smile. Mas maganda ka pag ngumiti." sabi pa nito habang nakangiti sa akin.
Muling tinangka kong ngumiti pero hindi ko talaga maipakita ang ngiting hinihingi niya.
"Isa pa please, hindi pa maganda eh" muling utos nito.
"Ay naku, ayoko na. Kung panget, hayaan mo na. Panget naman talaga ako." saka ako tumayo at dire diretsong lumabas. Nakita ko si Jenny na nakaupo na rin sa isang cubicle saka mabilis na nagpaalam.
Nang makalabas na ako, narinig kong may tumatawag pa ng 'Miss', hindi ako lumilingon. Dire diretso lang akong naglalakad. Hanggang sa may humila ng braso ko dahilan upang mapaharap ako ng mabilis sa taong humila sa akin hanggang sa ma out of balance ako at mahulog . . . sa ibabaw ng lalaking kanina lang ay kinayayamutan ko.
Matagal akong napatitig sa lalaking ito na nakangiti pa sa akin. Napagmasdan ko ng matagal ang mukha niya, oo nga, tama nga si Jenny, gwapo nga ito.
"Hi" napabalik ako sa ulirat nang magsalita ito sa akin. Agad agad akong tumayo sa pagkakahiga sa ibabaw niya saka nagpagpag.
"Sorry" mabilis kong sabi saka agad tumalikod at umalis.
"Miss sandali" sigaw nitong habol sa akin. Hindi ko ito nililingon, patuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis nang magulat ako sa pagsulpot nitong bigla sa harapan ko.
"Miss, sorry na. I didn't mean to distract you or something. I'm sorry" sunod sunod na pagpapaumanhin nito.
"Ok, bye" saka ko siya muling iniwan. Dire diretso lang ako sa paglalakad hanggang makarating sa gate ng school namin, nakahinga naman ako ng maluwag ng pagsilip ko sa likuran ko ay wala na ang makulit na yun.
Nang makarating ako sa bahay, agad kong binisita ang cellphone. Checking if Kevin has a message on me. But then no messages kaya naman minessage ko siya, informing my whereabouts for today.
Me: "Hi hon, how are you today? Galing ako ng school, nagpa picture for ID. Umuwi din ako agad. Message me when your free ok. Take care, love you!"
Honestly, this past few days, we don't talk too much. Masyado siyang busy sa Med School, dagdag pa ang kaibahan ng oras naming dalawa. Minsan isang beses sa isang linggo lang kami mag videocall which is i understand naman ofcourse dahil sa kaibahan ng oras at sa pagiging abala namin sa kanya kanyang school.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Ate Charice na naghahanda na rin ng kanyang mga gamit sa pagpasok at ang nanay naman ay naghahanda ng aming makakaing hapunan.
"Ready ka na ba mag college?" tanong ni ate habang nakangiti ito. Si ate ay nasa ikatlong taon na nito sa kolehiyo at kumukuha ng kursong tourism. Mga bata pa lang kami ay pangarap na nitong maging Flight Attendant kaya naman ito ang kinuha niyang kurso, malapit sa pagiging FA.
"Excited naman na ate kaya lang kanina nainis ako eh, may isang hambog kasi." sumbong ko naman dito.
"Bakit? Anong nangyari at may kaaway ka na agad. Naku Chesca ah, wala kami ni Kevin para ipag tanggol ka." Magkaiba kasi kami ng school ni ate kaya naman malaki laking adjustment din sa akin ang pagpasok sa college.
"Wala naman, may higher level student kasi eh maharot, nabunggo ako sa likod ayun tumama yung balikat ko." saka ko pinakita ang braso kong may pasa pa. "Ayun, tapos dun sa ID Picture, nataon pang siya pala ang magkukuha sa akin. Tapos pinaulit ulit pa niya ang shot dahil hindi daw ako maganda ngumiti." nakasimangot ko pang sumbong sa ate ko.
"Bakit hindi mo nireport sa guidance?" sabi naman nito
"Eh dinadala naman niya ako sa clinic, ayoko lang. Nakakainis kasi siya." inis ko pang sumbong dito
"Oh, gentleman naman pala ah. Iwasan mo na lang sa susunod para dika na mainis." payo naman nito
"Halika na kayong dalawa at kakain na." pagputol naman ni nanay sa usapan namin.
"Pumunta pala dito yung bagong may ari ng bahay nila Kevin, sa darating na linggo daw ay may konting salo salo sa kanila, Magpapa house blessing. Iniimbitahan tayo. Ano bang magandang iregalo kapag ganun?" saka napatingin sa amin si nanay upang makahingi ng suhestyon.
"Siguro nay, home decoration na lang po ang iregalo natin." suhestiyon naman ni Ate Charice
Pinakinggan ko lamang sila habang naguusap ng kanilang ireregalo. Nanatili lang ako sa pagkain ng biglang may maalala.
"Nay, may lakad po pala ako sa linggo. Pupunta po kami ni Jenny recto, may bibilhin lang po kaming libro."
"Agahan mo na lang ang alis para makadaan ka pa doon. Nakakahiya naman kung hindi natin mapupuntahan, personal pa namang pumunta dito. Pamimilit pa rin ni nanay sa akin.
"Sige po nay"
Nang makatapos kaming kumain at makapag ligpit. Tinulungan ko na rin ang nanay mag ayos ng mga damit na titiklupin. Nang makatapos sya agad akong umakyat sa kwarto upang makapag pahinga na rin. Tinignan ko rin ang cellphone ko, nagbabakasakaling online si Kevin. Nang makita ko siyang online, sinubukan ko itong tawagan. Nakailang dial din ako bago niya sinagot.
"Goodmorning hon." Pupungas pungas pa ito ng sagutin niya ang tawag ko.
"Sorry hon nagising ba kita?"
"No, it's ok. I want to see your face everytime i wake up. Sana nandito ka." kahit bagong gising, bakas pa rin sa mukha nito ang kagwapuhang taglay kaya naman napangiti lang ako lalo nung mag puppy eyes pa ito.
"Sus, get up na, papasok ka pa." sabi ko naman dito
"Yeah, guess what hon, remember Joy? Yung dati nating classmate?" Tanong muli nito
"Yeah ofcourse, patay na patay kaya sayo yun." Ngingisi ngisi ko pang sagot dito.
"She's here. And she's even one of my schoolmate."