Franchesca
Sa sinabing ito ni Kevin, para bang bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Alam kong matagal nang pursigido si Joy na magkagusto sa kanya si Kevin, pero sana naman ay mali ang naiisip ko.
"Ah, nakaalis na pala siya. At diyan pa pala siya." alam kong iba ang tono sa mga nasabi ko kaya naman napakunot ang noo ni Kevin sa akin.
"Oh why? may problema ba?" tanong nito
"Wala, malaki ang gusto niyan sayo, ikaw ah, iwas iwasan mo ah." nakasimangot ko pang sagot habang nanunulis ang mga nguso
"Ohh, nagseselos ba ang mahal ko? You don't have to honey, I'm all yours." nakangisi pa nitong sagot habang ang magkabilabg braso ay nakabuka pa at titingin tingin sa kanyang katawan.
"Hmm, ewan ko sayo. Siya nga pala, magpapa house blessing daw yung bagong lipat sa inyo at iniimbitahan kami sa linggo. Eh baka hahabol na lang ako, pupunta kasi kami ni Jenny sa recto eh, bibili kami libro." pagbabalita ko naman habang siya ay naguumlisa nang kumilos, inaayos ang uniform.
"Ahh talaga? wow, wala na talaga kami uuwian pag pumasyal ng pilipinas. O sige hon, maliligo muna ako. Mala late na ako sa school.Bye, i love you." dama ko sa mga mata niya ang lungkot ng pagkawala ng bahay nila.
"Ok ingat ka, I love you too." Pinatay ko ang cellphone saka natulog.
*****************************************
Kevin
Matapos naming magkausap sa videocall ni Chesca, agad akong naghanda para sa aking pagpasok sa eskwela. Ngunit habang naga ayos ako, napapaisip ako sa itsura nito nang mabanggit ko si Joy. 'Naiinis ba siya?'
Nang makarating ako sa eskwelahan namin, agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko at kinamusta. Habang naglalakad kami papunta sa classroom, napalingon ako sa likuran nang may marinig na boses na tumatawag sa pangalan ko.
"Kevin" Nang lingunin ko ito'y isang matamis na ngiti ang ibinungad sa akin.
"Hi Kevin" Sabi ni Joy
"Joy, wala ka bang klase?" bungad kong bati naman dito.
"Mamaya pa, may audition kasi ng cheering squad, susubok sana akong mag audition".
"Ah ganun ba, goodluck ah. Kayang kaya mo yun. Ikaw pa ba?" pagbibigay kumpiyansa ko naman dito habang tinatapik tapik pa ito sa balikat. Natigilan ako ng makita ko siyang tumingin sa kamay kong nasa balikat niya kaya naman agad ko itong binawi saka humingi ng paumanhin.
"Ayos lang. Baka naman pwede ka sandali, magpapasama sana ako sayo eh. Wala pa kasi akong masyadong kakilala sa school, ikaw pa lang. Baka pwede mo akong samahan." napagmasdan ko ang pigura ni Joy, sa paraan ng pagkakangiti niya, parang ngayon ko lang napansing may angkin pala itong kagandahan. Ngunit agad kong iwinaksi ang paghanga dito dahil alam kong isang babae lang ang maganda sa paningin ko at iyon ay si Chesca, ang babaeng pakakasalanan ko balang araw.
"Please" muling pagpupumilit pa nito.
Napaisip ako, kawawa nga naman siya at wala pa siyang kakilala dito sa school. Sasamahan ko lang naman siya sa audition, pwede naman na siguro ako umalis agad pagkatapos. Kaya naman sa huli ay pumayag na rin akong samahan siya.
Sabay kaming tumungo sa gymnasium para sa audition nito. Marami na ring tao ang nadatnan namin dito kaya naman agad ko nang pinapila si Joy upang makapag simula na agad siya.
Nang isalang si Joy, nagulat ako sa ipinakita nito. Wala namang cheering sa dati namin school sa Pilipinas pero kung gumalaw siya ay parang bihasang bihasa na ito sa mga steps. Hindi na rin ako nagtaka ng matanggap ito sa grupo kaya naman nang makabalik ito sa akin, agad ko siyang binati. Ngunit hindi ko inaasahan ng makalapit na ito sa akin, isang matagal, banayad at mapaghanap na halik ang isinukli nito sa akin. Sa gulat ko ay agad ko siyang naitulak dahilan upang mapaupo siya sa sahig. Nang makita ko siyang nakasalampak dahil sa pagkakatulak ko, agad ko rin naman siyang tinulungan at saka ako nag sorry.
"Joy, ano bang nasa isip mo? bakit mo ginawa yun?" sabi ko dito habang inaalalayan siyang makatayo.
"Sorry, natuwa lang talaga ako. Sorry Kevin." nang makatayo ay agad itong napayuko saka tumingin sa akin. "Sorry Kevin" muling sambit pa nito.
"Wag na sana ito mauulit, please" tinignan ko na lamang siya saka mabilis itong iniwan. Noon pa. man ay ramdam ko nang iba ang mga tingin nito sa akin pero pilit ko iyon binabalewala dahil si Chesca lang ang tanging nakikita ko. Masyado akong abala sa pag aalaga sa taong mahal ko kaya naman wala na akong nakikita pang iba tanging si Chesca lang.
*****************************************
Chesca
Lumipas ang mga araw, nag simula na rin ang klase namin. Madalas kong kasama si Jenny, madalas din niya akong daanan dito sa bahay papasok ng eskwela. Hanggang nadagdagan kami ni Jenny. Naging kaibigan namin ang isa sa mga ka klase naming si Raven. Malapit din si Raven sa bahay namin kaya naman madalas na din kaming magkakasabay sa pagpasok. At muli nadagdagan pa kami ng isang makulit, kalog at maharot na kaibigan, si Sander, na Sandra kung gabi sabi niya.
"Guys nabalitaan niyo na ba?" tanong sa amin ni Sander habang nakaupo kami sa isang bench dito sa school at nagmi miryenda.
"Ang alin?" balik tanong naman dito ni Raven.
"Magkakaroon daw ng Mr. and Ms. Manila College, and guess what?" balita pa nito habang patingin tingin pa sa aming tatlo habang nakangisi
"What?" halos sabay sabay naming sagot kay Sander
"Kasali si Papa Chester, yiiieeeee, omg kinikilig ako". halos sumakit na ang tenga ko sa pagkakatili nito ng banggitin ang Pangalang Chester habang ako naman ay parang nasira ang mood.
Nakasimangot ko itong tinitigan dahilan upang mapahinto ito sa pagtili. "Bakit?" tanong pa nito
"Ang ingay mong bakla ka" sagot ko naman dito.
"Totoo naman ah, gwapo naman talaga siya ah, oh my ayyyyiiieeee" Isang impit na tili na naman ang ginawa nito habang nakatingin sa likuran ko
"Ano bang nangyayari sayo?" nang lingunin namin ang tinitignan niya, napahinto rin ako ng magtama ang mga mata namin. Nakita ko rin ang bumuhay na ngiti sa mga labi nito. Ako ang unang nagbawi at bumalik sa pagkakaayos ng upo.
"Hi guys" naramdaman ko ang paglapit nito sa pwesto namin kaya nanatili lang akong tahimik. Nang umupo ito sa tabi ko, saka ko lang siya nilingon.
"Hi miss" sabi nito nang nakangiting nakatitig lang sa akin.