Chapter 8

1234 Words
Franchesca "Ano ulit?" kunot noong tanong nito pero bakas sa mga mata niya ang saya. Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka tumakbong palayo habang tinatawanan siya. "Chesca, Hon, huy sabihin mo na ulit please" pasigaw naman nitong habol sa akin. "Bahala ka diyan bingi. Bilisan mo na" saka tuluyang isinara ko ang pinto at dumiretso pabalik sa hapag kainan. Naririnig ko pa ang munting padabog nito maging ang pagsigaw nito ng "YES" na rinig na rinig din sa boses ang kasiyahan niya. Ngumiti ako saka tumuloy sa kusina. "Napano si Kevin? Bakit nagsisisigaw yun?" tanong naman ni ate Apple ng makarating ako sa lamesa at makaupo. "Wala ate naghaharot lang yun, susunod na yun nagbibihis lang" nakangiti ko namang sagot sa ate nito. Nang makababa si Kevin, kitang kita dito sa mukha niya ang saya. Ngiting ngiti na lumapit ito sa akin saka kumindat at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang isang kamay ko saka ipinatong sa isang hita niya habang magkasalikop ang mga ito. "Magdasal na muna tayo bago kumain, Kevin lead the prayer" sabi naman ni ate Apple na agad namang sinunod ni Kevin. "Lord, thank you for this wonderful day. Thank you for all the blessings that you've given to us. I thank God for the life of people around me specially the one who is beside me. Thank you God for your guidance in us for allowing me to enter to her life. I will never ever hurt her, i will love her as long as i live. I will be a perfect partner to her Lord and i will cherish her every single day. I love her so much Lord. In the mighty name of Jesus, i pray. Amen" "Kevin, dasal para sa pagkain hindi wedding vows ang sinasabi ko" Poker face na baling naman ni Ate Apple kay Kevin. At isang makahulugang tingin naman ang ginawad nito sa akin. Sa paraan ng pagtingin nito, para ba itong nagtatanong at naghihintay ng sagot. Maya maya'y inangat ni Kevin ang magkasalikop naming kamay saka masayang ipinakita sa Ate niya "Finally, She said Yes" sagot nito sa mapagtanong na tingin ni Ate Apple. "Yes? Yes for what? mga bata pa kayo ah ui" bakas ang pagka alarma sa tono ng salita naman ni Ate Apple habang ako ay iiling iling na nakangiti lang at minamasdan silang magkapatid. "Ate, i know time will come, we will get married but for now, step 1 muna kami." sagot naman nito sa kapatid. Saka nagkibit balikat na lang si Ate Apple at bumaling ng ngiti naman sa akin. Walang salita pero alam ko, dama ko ang pagiging masaya niya para sa aming dalawa. Ngunit batid ko rin ang bahagyang kalungkutan dahil sa magiging sitwasyon namin. Natapos ang pagkain namin, umalis kaming muli ni Kevin. This time, wala kaming lugar na pupuntahan, gusto lamang niyang mag joy ride. Habang binabagtas namin ang daan patungo ngsa ibang bayan  Bulacan, nabaling ang tingin ko dito ng magsalita ito. "Hon, alam ko magiging mahirap ang magiging sitwasyon natin pero sana hanggang sa huli andyan ka pa rin" sabi nito habang hawak ang isang kamay ko na banayad na pinipisil pisil. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Hindi ko alam kung kailan ako pwedeng muling maglagi dito sa pilipinas pero sisiguruhin kong uuwi uwi ako dito. Gagawan ko ng paraan." muling banggit niya. "Alam kong magiging mahirap pero wag na lang muna natin isipin yan. Asahan mo, nandito lang ako. Maghihintay sayo" gamit ang isang kamay ko, hinawakan ko ang kamay nyang nakahawak na sa akin. Sa uri ng paghaplos ko sana naiparating ko sa kanya ang kahulugan nun, na handa akong maghintay kahit gaano pa ito katagal. Sana nga Kevin, mapaglabanan natin ang hirap ng isang Long Distance Relationship. ***************************************************** Lumipas ang mga araw, naging masaya kami ni Kevin. Sinulit namin ang ilang araw na magkasama kami. Ipinaalam rin namin sa Itay at Inay na kami na, hindi naman sila tumutol bagkus pinayuhan kaming wag kakalimutan ang pag aaral. Sumapit ang araw ng pag-alis ng magkapatid na Kevin at Apple. Walang sandaling iniwan ako ni Kevin, saan man ito magpunta gusto niya ay kasama ako. Hanggang sa ihatid namin sila sa Airport. Katakot takot na pilitan pa ang naganap sa pagitan naming dalawa makapunta lang kami sa airport. Para itong batang nagta tantrums dahil hindi masunod ang gusto. Hindi ko tuloy alam kung malulungkot ba ako o maiinis sa inaasta niya ngayong araw. Para siyang batang ayaw malayo sa nanay kung makadikit ito sa akin. Nang makapasok na kami sa loob ng airport, mas lalong tumindi ang pagta tantrums. Gumagawa kami ng eksena dahil sa paghahatakan naming dalawa. Hanggang sa pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa eksenang ginagawa naming dalawa. Andyang papasok na kami ngunit siya biglang lalabas dahil ayaw daw niyang umalis, ako naman hahabulin siya at hihilahing pumasok sa loob. May eksena pang nakayakap lang siya ng mahigpit sa likod ko habang ginagabayan ko siya pumasok na sa departure area. ayaw bumitaw hanggang sa hinihila na ng ate niya ang braso nito upang makapasok na sila. Sa huli, hindi rin siya nanalo. Malungkot niya akong binalingan. "Tatawag ako sayo agad pagdating ko ah. Lagi tayo magtatawagan ah. Lagi ka mag cha chat, ako din sayo kahit ano ginagawa natin mag cha chat tayo ah. Hintayin mo ako please, babalikan kita. Pangako pag balik ko magpapakasal na tayo ah" usal nito habang yapos yapos ako sa mga pisngi. Bakas sa mga mata nito ang namumuong luha kaya naman ginantihan ko siya ng ngiti saka sinabing "Hihintayin kita" "Mahal na mahal kita Franchesca" "Mahal na mahal din kita Kevin" sagot ko naman saka niya ako ginawaran ng isang halik. Halik na alam kong may halong lungkot at pag asa. Pag asang isang araw muli kaming magkakasama. "Halika na Kevin" tapik ni ate Apple sa balikat nito dahilan upang matigil rin ang halik na iyon. Saka niya ako muling tinignan ng malalim na may lungkot. "I love you so much" muli isang mabilis na halik saka nagpaalam sa akin at sa mga magulang ko. Tanaw tanaw ko lamang siyang papasok na sa departure area habang siya ay palingon lingon sa akin habang naglalakad. Nakatanaw lang ako habang sinasabi sa isip ko ang mga katagang 'mahal na mahal kita Kevin, ako rin, mga bata pa lang tayo, minamahal na kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero alam ko, ikaw lang ang gusto nito' saka siya tuluyang nawala sa paningin ko. ***************************************** Kevin's Note "Today, December 23, I wanted to confess my feelings to Chesca after are graduation day. I don't know if she will allow me to enter our relationship to the next level but whatever happens. Whatever her decision was, i am very much willing to accept her answer even if its good or bad before its too late. If she said NO, still I will pursue her, i will never get tired of showing her how much i love her. I already got my visa and flying to US as soon as possible. I kept this feeling since we were young and now is the right time before i leave. April 30 will be the saddest day of my life. This would be the day of our flight to US. I hope she appreciates the love I will show him for the rest of my days in the Philippines. I love you so much Franchesca. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD