Franchesca
Dito kami sa bahay nila Kevin dumiretso. Nadatnan namin si Ate Apple sa sala habang nanonood ng tv. Nagluluto naman si Ate Cathy sa kusina ng pananghalian kaya dumiretso na muna si Kevin sa kwarto at ako naman ay tinabihan si Ate Apple sa sala.
"Saan kayo galing?" bating tanong nito sa akin.
"Sa burol lang ate, nagpa araw lang kami" sagot ko naman dito.
"Ahh sinusulit na talaga ni Kevin ang ilang araw na kasama ka noh" Sabi niya habang nakangiting nakaharap sa akin.
"Yun ang sabi niya ate, aaraw arawin daw niya na magkasama kami hanggang sa makaalis kayo" ngiti ko naman dito.
"Ayaw nga umalis talaga niyan eh. Nagaway na sila ni Mama kagabi, pinipilit niyang magpaiwan kaya lang hindi pwede eh. May buyer na tong bahay. Wala na siyang matutuluyan kung magpapaiwan pa siya." yumuko ito habang nagsasalita, bakas ko sa tono nito ang kalungkutan.
"Ikaw din ba ate ayaw mong umalis?" tanong ko naman dito.
"Gusto naman, matagal na namin inaasam na makasama ang Mama at Papa kaya lang nasanay na kami ni Kevin na ganito ang sitwasyon ng pamilya namin eh. Andito ang mga kaibigan namin, doon maninibago kami. Tsaka isa pa yung bahay, ang dami dami nang ala ala nito kaya nakakalungkot na ibebenta na ito." sabi pa nito habang lumilinga linga sa buong kabahayan nila.
Hinawakan ko na lang sya sa kamay niya saka nginitian "Bibisita naman kayo dito eh, bukas ang bahay namin sa pagbisita niyo." nakangiti pero alam kong may halong lungkot din ang mga mata ko. Nakangiti lang din si Ate Apple na nakatingin sakin "Thank You Chesca" tugon pa nitong muli.
Sakto namang dumating si Ate Cathy upang ayain na kaming mananghalian. Tinatawag din namin si Kevin upang makakain ngunit walang sumasagot.
"Akyatin mo na baka nakatulog" sabi ni Ate Apple sa akin. Pinuntahan ko naman si Kevin sa kwarto at kinatok. Ngunit wala pa ring sumasagot. baka nga nakatulog ito. Sinubukan kong buksan ang pinto, salamat naman at hindi naman ito naka-lock kaya makakapasok ako sa loob. Nang pag pasok ko, walang Kevin akong nakita. Tinawag ko siya ngunit walang sumasagot "Asan na kaya yun?" tanong ko sa sarili. Lumilinga linga ako sa buong kwarto niya ng may mapansin akong isang kakaibang notebook sa may console table. Nilapitan ko ito, binuklat at saka binasa.
Nagulat ako sa nabasa ko nang biglang may marinig akong ingay mula sa cr, dali dali kong ibinalik ang notebook sa table. Sa pagharap ko, mas lalo pa akong nagulat at napakapit sa gilid ng table. Saktong pagbukas ng pinto ng cr, lumabas si Kevin na walang saplot at tanging ang hawak lang niyang tuwalya na ipinupunas sa buhok.
"aaayyyyy" napatakip ako sa mata at dali daking tumalikod.
"Ohhh, ano ginagawa mo dito?" hindi ko na alam kung ano na ang itsura niya ngayon dahil sa nakatalikod ako sa kanya.
"Magdamit ka na nga, bilisan mo na kakain na" inis ko pang sagot dito. Naramdaman ko ang yabag niyang papalapit sa akin. Naalarma akong bigla "Ooopps diyan ka lang, wag ka lalapit dito" sabi ko na may halong pagbabanta pa
"Andyan ang brief ko eh, sige ikuha mo na lang ako, hagis mo sa akin" sagot naman nito na batid ko sa tono niya ang pagngisi pa.
Umusod naman ako upang mabigyan siya ng espasyo ngunit mali, wrong move, pagdilat ko, nasa salamin pala ako at pagdilat ko nasilayan ko na naman ang hubog ng katawan niya. Pero this time, nakabalot na ng tuwalya ang pang ibaba niya katawan. Natitigan ko ang pangangatawan nito. Paano bang hindi magkakandarapa ang ibang kababaihan dito at minsan maging ang kabaklaan bukod sa matalino na ito, athletic ay isa ito sa may pinaka magandang katawan sa skwelahan namin. Mukhang siya pa nga ang nangunguna eh. At higit sa lahat, ang gwapo.
Hanggang sa napalabik ako sa ulirat ng biglang magsalita siya "Hoy, naglaway ka na diyan. Wag ka magalala, sayo yan. Gusto mo na ba kunin?" ngingisi ngisi pa nitong sabi saka lumakad palapit sa akin.
"Kapal ng mukha mo, ako maglalaway sayo? baka ikaw pa noh" sagot ko naman habang iniirapan pa ito. Ngumiti lang ito saka tinuloy ang paglapit. Bigla biglang hinawakan niya ako sa balikat saka hinarap sa kanya "Matagal na akong naglalaway sayo" saka ako mariing tinignan. Napatigil ako sa sinabi niya, kinakabahan akong tumingin sa mga mata niya saka niya biglang inilapit sa akin ang mukha at mariing hinalikan. Namalayan ko na lang ang sariling tumutugon na sa mga halik niya. Maya maya, siya na rin ang unang bumitaw "Pero alam kong hindi pa panahon, kaya maghihintay ako" saka muling ginawaran ako ng isang mabilis na halik.
"Sige na, lalabas na ako para makapagbihis ka na. Kakain na" Paalis na ako nang bigla akong hatakin sa kamay saka iniyakap sa kanya. Dumaloy sa ilong ko ang halimuyak ng amoy ng katawan niya. Mabango na siya kahit dipa nakaligo, mas dumoble ngayon kaya para ba akong nanghina sa amoy pa lang. Tinutugon ko na pala ang mga yakap niya. Matagal kaming ganun, magkayakap. Nakasubsob lang ang mukha niya sa leeg ko saka pasayaw sayaw na nakayakap sa akin.
"Sige na, magbihis kana para makakain na tayo" Sabi ko pa rito
"Sandali na lang" sagot naman nito sa akin.
Hinayaan ko lang siya na yumakap. Matagal kami sa ganung posisyon ng siya na rin ang bumitiw sa pagkakayakap. Pagharap sa akin, nagulat ako sa itsura niya. Namumula ang mga mata "Umiiyak kana naman?" tanong ko dito. Ngunit muli ay yumakap siya sakin "Ayokong umalis" tugon nito. Bakas ko sa boses niya ang panginginig, umiiyak pa rin ito.
"Ano ka ba, sige ganito na lang. Gawin mong inspiration ang future natin. Kailangan mo kaming bigyan ng magandang buhay ng mga magiging anak natin kaya gagawin mo yan." nakangiti ko pang sagot dito. Bigla bigla ay nag angat ito ng tingin sa akin saka nakakunot ang noo. Nginitian ko lamang siya saka sinabing "I love you too" saka ko ito muling ginawaran sya ng isang mabilis na halik at tumakbo palabas ng kwarto.