Chapter 6

1112 Words
Franchesca Kinabukasan, araw ng sabado, maaga akong pinuntahan ni Kevin sa bahay. Ipinagpaalam nya ako sa Itay at Inay na mamamasyal lamang kami at manonood ng movie. Pumunta kami sa mall, kumain, nanood ng movie at naglakad lakad. Puro lamang kami tawanan. No dull moments when I'm with Kevin. He is so funny eversince pero mas dumoble effort ata ang joke time nya dahil never ko naramdaman ang ma bore ng araw na ito oh dahil sadyang masaya lang ako kasi kasama ko siya? Inabot kami ng gabi nang mapagpasyahan na naming umuwi. The next day, mukhang tinutupad niya nga ang sinabi niya. Napakaaga pa ng pumunta siya dito sa bahay. Kinatok niya ako sa kwarto at dinalan ng almusal. Sinangag, itlog at tocino saka may isang basong gatas. Siya daw ang nagluto, kaya naman pala muntik nang masunog ang tocino gayunpaman kinain ko pa rin ito dahil siya ang naghanda nito. Pagkatapos naming mag agahan, naglakad lakad naman kami sa labas hanggang sa makarating muli sa burol. Dito kami nagpa araw habang naka upo sa damuhan at nagku kwentuhan. "Naalala mo nung mga bata pa tayo, palagi ako nagba bike dito sa burol tapos ikaw naman palagi kang nakikipaglaro kina Rachel ng Chinese Garter?" sabi nito habang nakangiti pa "Oo, naalala ko yun, tapos dadaan ka mangaasar ka. Tatalon na ako bigla kang susulpot sa harap ko." sabi ko naman habang nakatingin din sa gawing parte ng lugar na iyon kung saan kami pumupwesto ng mga kalaro ko. "Ang taas taas naman na kasi ng garter na tatalunan mo, lagpas na nga sayo." nakakunot noo pa nitong sagot sa akin. "Natural, pataasan yun eh. Kapag hindi ka nakatawid, talo ka syempre." "Ang taas taas, paano kung magkamali ang bagsak mo? magka injury ka pa? kaya ako sumusulpot dun sa babagsakan mo para hindi ka tumuloy sa pagtalon." nakaramdam ako ng tuwa sa mga sinabi niya. Concern pala kasi siya noon kaya palagi na lang hindi ako nakakatira sa chinese garter dahil palagi na lang siyang nakaabang sa babagsakan ko ngunit ang tanging alam ko lang ng mga panahong iyon ay tanging pang aasar lang ang ginagawa niya. "Naalala mo nung tinuturuan ka ni Cris mag bike?" muling pagpapaalala nito "Oo, dumating ka nun eh nainggit ka ata, nagdala ka rin ng bike mo eh." sabi ko naman dito habang pangisi ngisi pa. "Hindi ah, bakit ako maiinggit kay Cris eh mas gwapo ako dun. Nakita mo yung bike niya walang support wheel, paano kung bigla ka niyang bitiwan at masemplang ka? Eh di nagkasugat kapa." Eto na naman siya. "Ah kaya pala pinahiram mo yung bike mo sa akin tapos ikaw nagaabang lang dun." tinuro ko yung pwesto na pinagaantayan nya. saka ko naalala yung mga panahong mga bata pa kami at naglalaro pa lamang. Tumango naman siya saka umakbay sa akin at bumulong "Kasi ayokong nakikita kang nasasaktan" Saka biglang humalik sa aking pisngi. Just one quick kiss. Tinignan ko lang siya sa mga mata niya gayundin naman siya sa akin. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa palapit na ng palapit ang aming mukha sa isa't isa. Nang mapadako ang mga mata ko sa mapupula niyang labi. Hindi ko sinasadya, napakagat ako sa pang ibabang labi nang biglang may dumapong bola sa likod ko. Napadaing ako sa sakit ng pagkaka tama nito. Napayakap namang bigla si Kevin sa akin at saka hinimas himas ang likod kong natamaan. "Nasaktan ka ba?" pagaalalang tanong niya. "Medyo lang, ok naman na." sagot ko naman dito. "Ate sorry po, hindi ko po kayo sinasadayang tamaan. Sorry po talaga ate." sabi naman ng isang batang lalaking lumapit sa amin na sa tantya ko ay nasa edad 10. Siguro ay isa ito sa player ng basketball na nagpa practice sa lugar na to. "Ok lang, kunin mo na yung bola mo." nakangiti ko namang baling dito "Susunod magdahan dahan ka ah, nakaka tama kayo eh." bakas ang galit sa salita naman ni Kevin. "Kuya sorry po, ate sorry po ulit." muling hinging paumanhin naman ng bata. Tumango lang ako at ngumiti saka siya hinayaan nang umalis. Saka ko naman hinarap si Kevin. "Ang sungit mo naman dun sa bata, hindi naman niya yun sinasadya." sabi ko dito "Oo alam ko kaya lang ayokong nasasaktan ka. Ilang taon kitang iningatan tapos sasaktan ka lang ng kung sino man?" inis namang tono nito. Napatigil naman ako sa sinabi nitong ilang taon ako iningatan. Kunsabagay kanina lang ay binabalikan namin ang ilan sa mga ala ala nung bata pa kami at talaga namang nagugulat ako sa mga dahilan niya samantalang ako ang alam ko lang nangiinis siya. "Ang OA mo Kevin" saka ko hinawakan ang kamay nito "Wag ka na magalit, wala naman may gusto sa nangyari" pag aalo ko pa dito saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Ramdam ko ang pag buntong hininga naman niya kaya kampante na akong nawala na ang inis niya. Hanggang sa bigla ko siya naisipang tanungin. "Kevin, kailan mo pa ako gusto?" tanong ko dito "Hindi naman kita nagustuhan, kasi simula mga bata pa lang tayo mahal na kita" sabi nito. Saka ako nag angat ng ulo at tinignan siya. "Eh bakit puro pangaasar lang ginagawa mo sa akin dati, mahal mo pala ako?" muling tanong ko naman dito. "Ayun lang yung way na mapansin mo ako eh, palagi ka kasing naka simangot sa akin noon eh. Parang ayaw mo akong nakikita kaya inaasar na lang kita para mapansin mo ako kahit paano." totoo naman, wala atang araw na hindi ako nakasimangot noon kapag nakikita siya. Bigla naman akong nakadama ng pagka konsiyensya nang sabihin niya yun. "Sorry" sabi ko na lang habang nakangiti. Hinimas naman niya ang isang pisngi ko saka kinurot. Napahampas ako sa mga braso niya hanggang sa muli niyang inulit ang pag kurot sa pisngi ko sabay tumayo at mabilis tumakbo. Agad naman akong tumayo din at mabilis ko siyang hinabol. Naghabulan lang kami habang tuwang tuwa sa isa't isa. Masayang masaya lang kaming naghahabulan hanggang sa mapagod na ako. Huminto ako sa katatakbo, maging siya ay huminto na ng may kalayuan sa gawi ko. Nilapitan niya ako saka muling niyakap. Maya maya'y kumuha siya ng bimpo sa dala dala niyang bag "Halika muna at pupunasan ko ang pawis mo" tawag nito sa akin. Nang lumapit ako ay inabutan niya ako ng dala naming tubig. saka niya ako pinunasan sa noo, leeg at maging sa likod ko. Nginitian ko lamang siya saka nagpasalamat. Masayang masaya kami ng mga oras na yun hanggang sa sumapit na ang patanghali, sumasakit na rin ang sinag ng araw sa aming mga balat kaya naman napagdesisyunan na naming bumalik na sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD