“Hoy! Mayor de bobo!.”
Sigaw ng lalaki sa akin na sa palagay ko ay anim na talampakan ang taas. Halos kasing taas ko lang din ito, siguro ay lamang lang ako ng ilang pulgada. Pero, doble at hamak malaki ang pangangatawan nito na burdado ng tinta ang balat. Kumpara sa akin na sakto lang.
Tinitigan ko lang ito gamit ng blangko na mukha at hindi ko ito inimikan man lang.
“Mayabang ka, bata ah?! Anong pinagmamalaki mo? Ang apelyido ninyo at ang pinsan mo na gobernador, pero pinakulong ka?.”
Nanatili akong tahimik dahil ayaw ko ng gulo. Insultuhin niya ako hangga’t gusto niya. Sanay ako sa pangmamaliit ni papa. So, ano ba ang nabago?
Sa pagkakataon na ‘to, ayaw ko na kaladkarin na naman ang aming apelyido. Nag tanda na ako, ayaw ko na ng kahihiyan sa pamilya.
Isa pa, sobra na rin ang tulong ni kuya Adam sa akin. Nakakahiya na sa kanila ni Cassandra.
“Tumayo ka dyan! Magpapawis tayo.”
Sabay tawanan ng apat na kasama nito. Alam ko naman na pinagtitripan nila ako. Kaso, wala akong plano na patulan sila. Kung hindi nila ako sasaktan.
“Putang*nang, bastos ka ah?! Hindi mo ba ako kilala! Ako si mayor dito sa loob ng piitan?!!.”
Talsik laway na sigaw ng lalaking engkano na may pagka kokey ang mukha.
“Look, ayaw ko ng gulo. So, please leave me alone.”
Pakiusap ko sa lalaki gamit ang mababa na tono. Pero ngumisi lang ito sa akin at mas lumapit pa.
*Akkkkk!*
Halos masuka ako ng sikmuraan ako ng lalaki. Ito ang unang beses sa buhay ko na masaktan ako ng ibang tao. Dahil madalas, si papa ang gumagawa nito sa akin.
“Sa susunod, tumayo ka at magbigay galang sa akin kapag lalapitan kita. Wag kang kupal na porke kilala ang pamilya mo, aangasan mo na ako. Dahil dito sa loob, ako ang mayor!.”
Hindi ako umimik, pinabayaan ko lang ang engkanto na magsalita. Kadiri ito na talsik laway pa!
“Ano? s**o—.”
Sisikmuraan na naman sana ako nito ng madakot ng dalawang kamay ko ang isa nitong malaki na kamao.
Nagkatitigan kami at nginisian ako nito. Akmang lalapit ang dalawa niyang alalay ng patalon na sipain ko sa sikmura ang isa, at isa pa! Sabay tulak ko kay mayor na tumama pa ang likod sa rehas na bakal.
“Aba’t matapang ka huh?!.”
Matalim na tingin ni mayor sa akin habang kabas litid sa lakas ng kanyang sigaw.
“Hindi ako matapang, pasensya na kayo. Ayaw ko lang ng gulo at ayaw ko din masaktan. Kaya nakikiusap ako, wag na ninyo ako pansinin.”
Mababa ang tono na gamit ko at ang mga mata ko na maamo na charm ko sa mga tao ay ginamit ko na rin. Pero mukhang walang talab sa engkanto na lalaking ‘to. Mukhang babae lang talaga ang na aakit ng ganito na anyo ko.
“E, gulo hanap namin. Paano na ‘yan ngayon? Hahaha! Sugoood!.”
Sigaw ng engkanto na mayor sa apat niyang alalay. Kaya't wala akong pagpipilian kundi ang lumaban.
Inikot ko sa aking kamay ang maliit na bimpo, sabay galaw ko ng aking leeg para mainat ang aking mga ugat at kalamnan.
Nang makalapit ang apat sa akin, kaagad kong sinikmuraan ang isa sabay tukod sa balikat ng lalaki para sipain mula sa ere ang isa pa.
Tinalon ko sabay palo sa leeg ng lalaki para makatulog ito. Ganun din ang ginawa ko sa dalawang natira.
“Ikaw! Lapit!.”
Sigaw ko sa mayor ng selda na ‘to. Kung kanina maamo ang aking mukha. Ngayon, sa palagay ko ay lumabas na naman ang ayaw ko na bahagi ng aking pagkatao. Ayaw ko nagagalit hangga't maaari, dahil nawawalan ako ng control sa aking sarili.
“Ayaw mong lumapit? Sige, ako ang lalapit sayo!.”
Nakangisi na sabi ko habang dinura sa gilid ang dugo mula sa pumutok ko sa labi. Tinamaan kasi ako ng malakas na suntok kanina ng isang alalay nito.
“Ano, matapang ka lang dahil may alalay kang mga aso? Ngayon, takbo!!!!!!!.”
Malakas na sigaw ko habang ang mga nasa selda ay tahimik lang na nanonood. Hindi ko kilala kung sino ang nag abot sa akin ng pvc na tubo.
Habang humakbang ako kay mayor, nakangisi na pinapalo ko ng mahina ito sa kabila ng kamay ko. Nanunudyo ako dahil halata ang takot sa mukha ng lalaki.
Habang naglalakad ako palapit sa lalaking mukhang kinakabahan na, mabagal na humahakbang ito paatras. Nagsisimula na din mag-ingay ang paligid.
Hanggang sa tanging tunog na lang ng mga suntok ko, sipa at hampas ng pvc ang maririnig sa malawak at siksikan na piitan na ‘to.
“Pwe!!! Sa susunod, matuto kayong kumilala. Wag ninyo akong pakialaman, para tahimik tayong lahat.”
Sabay bato ko ng tubo sa lalaki at naglalakad na ako pabalik sa pwesto kung saan ako mahihiga mamayang gabi.
“Ang galing mo makipaglaban Mayor Geo! Pero sa palagay ko, mapag-iinitan ka ng grupo ni Onil.”
Hindi na lang ako umimik, naupo ako sa maliit na kama. Tanging karton lang ang sapin nito. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, usapan ako ng mga katabing selda at wala akong pakialam.
Sa pambubugbog pa lang ni papa mula ng binatilyo pa lang ako, sanay na ako sa sakit ng katawan. Konting pagkakamali, suntok o tadyak ang sasapitin ko.
Kaya't nag gym ako at nag-aral ng kick boxing at iba pang martial arts. Naging libangan ko ang undergrounds fight. Doon ko nakilala si Lhai, ang babaeng obsessed pala sa matandang Dimagiba.
Natipuhan ako ng babae, wala naman totally nangyari sa amin. Tamang chupa lang siya sa b***t ko. Isang beses lang nangyari ‘yon. Dahil may mga lalaki naman ang babae.
Hanggang sa na open niya ang plano niyang pag lalabas ng mga illegal na baril. Sa lungsod na sakop ko, namin ni kuya Adam. Mambulao ang napili niyang pick-up location, dahil sino ba ang maghihinala sa amin? E, isa kaming Villafuerte.
Aminado ako na nasilaw ako ng pera, lubog ako noon sa utang dahil nalulong ako sa casino. Para sandaling makalimot sa pamilya. Sa hindi magandang pagtrato sa akin ni papa. Kaya't sugal ang naging pampalipas oras ko.
Lingid sa kaalaman ko, baliw na baliw pala ang babae sa King of Gold na si Hendrix Dimagiba, ginamit lang ako ng babae. Para sa mas malaki pala niyang plano.
Milyon din ang nakulimbat ko sa bawat transaction ng babaeng ‘yon. Ang kalahati ay nakatago sa sikreto ko na account. Habang ang ibang bahagi ay kinamkam ni papa. Ang aking ama na mula noon, hanggang ngayon, basura at retirement plan ang tingin sa akin, na kanyang anak.