“Bilisan ninyo ang kilos! Malapit na ang oras ng almusal! Mamaya magkakagulo na naman kayo.”
Sigaw ng lalaking pulis na nagbabantay sa amin. Alas sais pa lang ng umaga, ginising na kami para mag kuskos ng banyo.
Mabuti na lang, hindi gaanong dugyot ang selda na ‘to, kumpara sa mga napapanood ko sa telebisyon. Araw-araw ba naman nililinisan ‘e.
“Mayor Geo, ako pala si Kael. Ako ang nag abot sayo ng tubo kahapon. Ako ang nakahiga sa taas ng kama mo.”
Tumango lang ako sa lalaki na nagpakilala. Kilala naman na niya ako, kaya't hindi ko na kailangan na magpakilala pa.
“Anong kaso mo?.”
Tanong ko dito na mapait na ngumiti. Sabay kuskos ng bowl at ng malinis na niya, saka lang ito tumikhim at nagsalita.
“Murder, pinatay ko kasi ang baklang amo ko.”
Kinikabutan ako sa lalaki na tumawa ng malakas. May itsura ito, maputi ang balat na puro tinta din. Wala lang ayos ang buhok nito na mahaba at maraming peklat sa katawan. Pero ang kabuohan, magandang lalaki ito.
“Wala akong pinag-aralan, hanggang grade six lang ako. Sapat para makabasa at magsulat. Solong buhay lang ako, napulot ako ng bakla sa lansangan, binatilyo pa lang ako. Pinangakuan na pag-aaralin at ituturing na anak. Pero iba ang nangyari, habang lumalaki ako mino-molestya ako ng baklang ‘yon. Hanggang sa lumaki ako, ginagawa lollipop ang alaga ko. Wala naman akong pupuntahan kaya't tiniis ko na lang, kahit nakakasuka. Hahaha! Straight na lalaki ako ‘e, may kasintahan nga ako ng panahon na ‘yon e. Kaso, siniraan ako ng bakla, ayon hiniwalayan ako.”
“Villafuerte, Tinamuran! Bilisan ninyo dyan, puro kayo chismis, kalalaking tao ninyo mga bulungan kayo ng bulungan!.”
Parang gusto ko matawa ng marinig ang apelyido ng lalaking kausap ko.
“Wag kang tumawa pre, hiyang-hiya din ako sa apelido ko. Hindi ko alam bakit ganyan yan. Pwede ba yan palitan? Kung sakali na yumaman ako.”
Tumango ako sa lalaki na mukhang wala ngang alam sa mundo. Parang na curious tuloy ako bakit nagawa niyang pumatay.
“Labas na! Kakain na!.”
Nagmamadali kaming lumabas ng banyo, matapos namin linisan. Nakapila kami sa labas papasok sa kantina kung saan kami kakain.
“Ang hirap ng pagkain dito pre, para na nga tayong sardinas sa loob, binaboy pa ang pagkakaluto ng ulam.”
Bulong ni Kael na hindi ko pinansin. Mga kreminal naman ang nasa loob, kaya't dapat lang siguro ang ganito. Pero paano ang iba na walang kasalanan at napagbintangan lang? Hindi naman makatao na ganito ang pagkain.
“Sayote na labsak, ginisa sa corned beef na naman!.”
Mahinang sigaw nito kaya't nagtawanan ang mga katabi namin.
“Kailan kaya tayo makakatikim ng inihaw na bangus o kaya lyempo ano pre?.”
Tanong ng isa na preso, medyo may katandaan na ito.
“Isipin na lang natin pre, lyempo ito! Hahaha!.”
Singit naman ng isa na kaharap din namin sa lamesa. Tahimik lang ako na nakikiramdam sa paligid, mukhang may mga mata na nakatingin sa akin.
“Villafuerte, bilisan mo diyan! May dalaw ka!.”
Sigaw ng isang bantay. Kaya't inabot ko na kay Kael ang pagkain na para sa akin.
“Salamat pre, mabubusog na din ako.”
Napapailing na lang ako sa aking mga kasamahan. Tumayo na ako para harapin kung sino man ang aking dalaw.
“Kuya”
Mahinang tawag ko kay kuya Adam. Tinapik nito ang aking balikat at nahihiya ako na hinarap ito.
“Kamusta ka dito? Mukhang napalaban ka ah?.”
Tanong niya na hindi ko inimikan, nanatili ako na nakayuko dahil nahihiya ako.
“Hindi nag kaso ang mga Dimagiba laban sa’yo. Ang pagbabayaran mo lang, ang kasalanan mo sa bayan. Ako na ang bahala sa lahat, hindi magtatagal ay makakalaya ka na rin dito, konting tiis na lang. Kakausapin ko ang nasa taas na wag kang galawin dito.”
Pag angat ko ng tingin, nakangiti si kuya Adam sa akin, ang Gobernador ng aming lungsod.
“S—Salamat kuya, pakisabi kay Cassandra pasensya na.”
“Sus! Wala ‘yon! Basta, oras na makalabas ka dito, siguraduhin mo na magbabago ka na. Kung hindi, ako na mismo ang makakalaban mo.”
Tumango lang ako sa aking pinsan na inabot sa akin ang napakarami na eco bag, napansin ko na may daalwang kahon pa sa tabi nito. Nagpasalamat ako at tumayo na din, tapos na kasi ang oras ng dalaw.
“Ang dami mong dala ah?.”
Sabi ni Kael na nanginginang ang mga mata. Ang iba naman ay nakatingin lang sa akin.
“Balikan mo ang iba doon, may nakakahon din yata. Tapos, lumapit kayo dito at paghati-hatian natin ang mga ‘to.”
Sabi ko sa mga kasama ko sa selda. Mukhang alam na ni kuya Adam ang kalakaran dito sa loob. Isang nalaking kahon ng de lata ang dala at ang isa ay hindi ko alam, ang iba naman ay kutkutin, mga hygine kit at kung ano-ano pa.
“Tang*na! Makakapagsipilyo na rin tayo!.”
Sigaw ng isa kaya nagkatawanan kami. Ang grupo naman ni Onil na mayor ng selda ay nakatingin lang sa amin mula sa hindi kalayuan.
“Mayor Geo! Pahingi naman ng spam! Baka meron diyan!.”
Sigaw ng taga kabilang selda. Tumingin ako sa eco bag at wala akong nakita.
“Sisig lang at tuna ang nandito, sardinas! Anong gusto ninyo?.”
Sagot ko naman na sigaw. Inabot ko kay Kael ang isang eco bag.
“Ibigay mo na lang sa kabila, tama na siguro ito sa atin ano?.”
Tanong ko sa matanda na kasamahan namin dito sa selda. Tumango lang ito, kaya't ngumiti ako.
“Pasalamat ka, kinausap kami ng nasa taas. Kaya hindi ka namin pwedeng pakialaman.”
Napalingon ako kay Onil, nginisian ko ito ng nakakaloko. Sabay bato ko ng isang kit na naglalaman ng sipilyo, sabon, toothpaste, pabango at isang brief.
“Gamitin mo yan, ang baho ng hininga mo ‘e.”
Sigaw ko dito na ikinatawa kahit ng kanyang apat na alalay.
“Tang*na mo ah! May yose ba dyan at sisig? Katulad ng bigay mo sa kabila?.”
Tanong nito na ikina-iling ko na lang. Inabutan ko ito ng gusto niya at basta na lang kami tinalikuran.
“Ikaw, t-shirt kailangan mo?.”
Tanong ko kay Kael na tumango lang sa akin. Hinati ko sa aming dalawa ang mga damit at panloob na kasama sa dala ni kuya Adam.
“Salamat pre, ang ganda sana nito isuot pang mall ba. Kaso, habang buhay ang sentensya sa akin dito.”
“Ano ba nangyari?.”
Tanong ko kay Kael na malungkot ang mukha. Tumabi ito sa pagkakaupo ko sa kama at nakayuko na nagkwento.
“Yung bakla na kumupkop sa akin mula sa lansangan. Hindi nakontento sa pag chupa sa akin, ayon! Isang araw nag-inuman kami, akala ko ganun pa rin, katulad ng dati, lollipop lang ang gagawin. Nagulat ako ng may kasama na itong isa pang bakla. Pinagtulungan nila ako na gahasain, nakakatawa no? Kahit lalaki, walang ligtas sa mga manyakis. Tinira ako sa pwet ng baklang amo ko, ilang araw ako hindi makadumi ng maayos, pakiramdam ko ay nawasak talaga. Umapoy ang galit ko pre, ilang araw pa lang ay kasama na naman niya ang isang bakla, at narinig ko na ito naman ang nag plano na tirahin din ako sa pwet. Doon ko pinlano ang lahat, ng gabi na nag-inuman kami. Doon ko ginilit ang leeg ng bakla na amo ko. Maswerte ang isa, nakatakas ‘e. Papatayin ko din sana, para sana mabawasan ang mga manyakis sa mundo.”
Naluluha si Kael habang nagkukwento sa akin. Kahit sino siguro makakapatay kapag ganito na ang pang wawalang-hiya ang ginawa.
“Mapera ang pamilya ni bakla, pinalabas nila na ninakawan ko daw ang amo ko. At inakit para perahan, marami pa silang pinalabas na kwento. Ang gusto ko lang naman kumain at makapag-aral sana, pero hindi nangyari dahil seloso si bakla. Hindi ako natutuloy mag-aral ng hayskul.”
Medyo nakaramdam ako ng awa sa lalaki. Sa palagay ko ay mas bata pa ito sa akin. Mukhang nasa bente anyos lang ito, mahigit.
“Oras na makalabas ako dito, titingnan ko kung ano ang aking magagawa. Hindi ako nangangako, dahil mas marami akong dapat ayusin sa buhay ko. Pero wag ka mag-alala, maayos naman ang memorya ko.”
Sabay tayo at iniwan ko ang lalaki na mukhang iiyak na. Iniiwasan ko ang drama, ayaw ko malungkot. Babalik pa ako sa labas para sa anak ko kay Ritchel. Kailangan ko makuha ang bata, dahil alam ko na wala naman siyang kinabukasan sa kanyang lolo na dating Mayor. Isa din ang pamilya nila na protektor ng mga illegal na gawain sa aming bayan.
Inayos ko na ang mga gamit at damit ko, nilagay ko lang sa gilid kung saan maaaring kumuha ang lahat kapag kailangan nila o nagugutom.
Oras na makalabas ako dito, aayusin ko ang kalakaran dito sa loob ng piitan, wala man lang electric fan. Tanging karton lang ang higaan na sobrang sakit sa likod.