“Sino sila?.” Tanong ni Kael pagpasok pa lang namin sa bahay niya. Yes! Hindi kami umalis sa hacienda ni Kael. Dahil naniniwala ako, balang araw at babalikan niya kami mag-ina. Pero syempre, kung hindi man siya bumalik. Mananatili ang alaala niya at ikwento ko kay Kerstein. Nagkatotoo naman. Bumalik siya sa amin. Yun lang nga, medyo masakit dahil may kontrabida na humadlang. At nakalimot pa si Kael, ma kahit ako nakalimutan din niya. “Apo! Kael” Hagulgol ko Lola Remedios habang tulak ni Daddy ang wheelchair ng matanda. “Akala ko hindi ka na babalik, akala ko nakalimutan mo na kami. Malaki na si Kerstein, malaki na ang anak ninyo ni Mardy.” Mahina at puno ng emosyon na iyak ni Lola. Para kasi sa matanda, Kael is our savior. Totoo din naman, dahil kung hindi dahil kay Kael, baka

