Check-up at gala sa kung saan ang naging weekly routine namin ni Kael. Kami lang muna na dalawa. Dahil sabi ko sa kanya mahirap kapag kasama ang anak namin. Madalas kasi sumakit ang ulo nito. May mga ala-ala daw kasi siya na biglang pumasok sa kanyang isip. Kaya natatakot ako na baka isang araw maalala niya ang kanyang pangit na nakaraan. Dasal ko na sana, yun na lang ang bahagi niya na mawala. “Bagay ba sa akin?.” Tanong ko kay Kael. Nagsusukat kasi ako ng damit. Nandito kami sa isang mall, medyo malayo sa hacienda. Hindi nagsalita ang lalaki, tumayo ito at tumitig sa paligid. Lumapit ito sa isang sales lady. “Miss, ang daming napili ng asawa ko. Pwede ba samahan ko na lang siya sa loob mag fit? Para diretso palit na lang din. Nagmamadali na din kasi kami.” Seryoso na sabi ni K

