“Anong ginagawa mo dito?.” Tanong ko kay Cataliya na naabutan namin ni Kael sa sala. Katabi nito si Ate Love at Kuya Geo. Kaagad lumapit si Kuya Geo sa akin na akmang hahawakan pa ako, pero umilag ako kaagad. “Mardy, Good evening. Pwede ba na huminahon muna tayo?” Tanong ni Ate Love na nginisian ko lang. Paglingon ko, nakapamulsa ni Kael at blangko ang mukha. Habang si Cataliya ay nakatitig sa kasama ko. “Ikaw Ate Love at Kuya Geo, welcome kayo sa bahay na ‘to. Kahit dito pa kayo tumira. Pero ang kasama ninyo, hindi!” Madiin na sabi ko sabay titig ng masama kay Cataliya. “Mag-usap tayo ng maayos at mas mahinahon sana, Mardy. Kasi pamilya tayo dito ‘e.” Sabi ni Kuya Geo na parang nagpa-init ng ulo ko. “Walang pamilya Kuya na gagawa ng masama para sa miyembro ng pamilya. Families

