Habang nakatitig ako sa aking kasintahan na natutulog, ngayon ay nakaramdam ako ng takot. Na baka iwanan ako nito. Si Gab nga na pamangkin ko, nababaliw dito. Ano pa ang ibang lalaki. Na hamak na ka-edad lamang ni Mardy. “Ouch! Tapos na kayo uminom?” Tanong ni Mardy na sapo pa ang kanyang ulo. “Hmmmm.” Tanging sagot ko sa kanya. Tinitigan ako nito at umusog ng higa. Hinila niya ang braso ko at ginawa niyang unan. “Si Gab, hindi ko alam paano siya iiwasan na hindi siya masasaktan.” Mahina na sabi ni Mardy habang ang mukha, nakasuksok sa kili-kili ko. “Bakit mo naman siya kailangan iwasan, ano bang meron? Hindi ba at pamangkin ko siya?” Tanong ko sa aking kasintahan na kunwari, wala akong alam at wala pa akong maalala masyado sa nakaraan. “Noong wala ka pa, umamin siya na gusto

