Habang nag-iinuman kami ng mga pamangkin ko, napansin ko si Ian na close kay Mardy. Nakakatawa nga ang dalawa, bugbog sarado si Ian sa hampas ng babae. Halos makita na ang ngala-ngala ni Mardy kakatawa sa mga hirit ng pamangkin ko. Pero ng lumapit si Gab, biglang naging de numero ang kilos ni Mardy. Hinihila pa niya si Ian para mas tumabi sa kanya. “Teka lang, kukuha lang ako ng pwede natin kutkutin habang tumatagay.” Paalam ko sa tatlo. Dahil tulog na ang mga kasambahay, ako na mismo ang naghanap ng mga sitsirya na pwede namin kainin. Pero pagbalik ko, tahimik na ang tatlo. Hindi muna ako lumapit at nagtago ako sa malaking flower base, pinakiramdaman ko ang aking mga kainuman. “Manahimik ka na nga Gab! Magkaroon ka naman ng respeto kay Uncle! Nandiyan na nga siya di ba?! Kaya

