DAHIL SA INSIDENTENG NAGANAP sa mall sa pagitan namin nila Phoenix ay napagpasyahan ko na wag na muna bumalik sa bahay ng binata.Magreresign na rin ako at maghahanap ng ibang pwedeng pagkakitaan o kaya naman ay maglalako na lang muli ako pansamantala ng mga kakanin.Hihintayin ko lang matapos ang ilang araw na pagbisita ni PJ sa amin bago ko kunin ang gamit ko na naiwan sa bahay ni Phoenix at ang huling sahod ko. Nagpadala na lang ako ng mensahe kay sir Onyx dahil hindi ko makontak si sir Oreo. Ayoko naman magsend ng mensahe sa kuya ng mga ito kaya mas pinili ko na lang na isa sa kambal ang padalhan ng mensahe. Ako:Magandang umaga po sir Onyx, magpapaalam lang po ako na ilang araw na hindi makakapasok sa trabaho at saka po magreresign na rin po ako.Sa friday ko po ng hapon kukunin ang hul

