"Where are you going, Jellybean?" Nagtatagis ang bagang na pagtatanong ni Phoenix sa akin ng mariin na tumingin sa gawi ko at hinuhuli ang mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin dito dahil hindi ko talaga makayang salubungin ang matiim nitong pagtitig sa akin na parang tinutunaw ako sa init na hatid ng pagkakatitig sa akin. "Kuya…" Narinig ko pa na salita ni sir Onyx pero nanatili ang tingin ni Phoenix sa akin na parang hindi narinig ang pagtawag ng kapatid nito. "I'm asking you again, Jellybean where are you going?" Pag-uulit muli na tanong ni Phoenix sa akin na ikinalunok ko ng sariling laway dahil pakiramdam ko biglang nanuyo ang lalamunan ko at hirap akong magsalita. Dumarubdob rin lalo ang malakas na pag-tambol ng puso ko sa labis-labis na kabang nadarama.Pakiramdam ko ma-hohotseat

