HINDI PA RIN MAALIS sa isipan ko ang sinabi ni Phoenix matapos namin mag-usap ng araw na iyon.Tatlong araw na ang lumipas pero heto parang sirang plaka na paulit-ulit na umeecho sa isipan ko ang bagay na iyon.Tatlong araw na rin kami nasa ospital at ngayon nga ang pa apat na araw at bukas ay makakalabas na ang anak ko. Halos hindi na umalis sa tabi namin si Phoenix at todo asikaso sa kambal.Halili rin kami sa pagbabantay kay Nixxon at Nexxus na ayaw na rin humiwalay sa ama nito.Kung aalis man si Phoenix ay saglit lang para magpunta sa trabaho bago dumiretso muli sa ospital.Sa ilang araw ay ganun ang naging routine nito tulad na lang ngayon nandito ang binata at kakagaling lamang sa trabaho.Alas tres pa lang ng hapon pero nandito na agad si Phoenix. "Tatay!" Malakas na sigaw ni Nexxus at

