SA SOBRANG EXCITED ko ay maaga ako nagising na punong-puno ng enerhiya ang katawan.Para akong hindi napagod kahapon sa pagtitinda sa ilalim ng tirik na tirik ng araw.May labis-labis rin ako ngayon na lakas sa katawan.Kay gaan sa pakiramdam.
Maingat na bumangon ako at lumabas ng kwarto namin.Ginawa ko ang daily routine sa umaga ang mag-asikaso ng pagkain namin at pagkatapos ay maliligo na ako pagkainom ng kape.Dahil maganda ang naging kita ko kahapon at labis iyon ay nag-grocery ako ng konting pang stock namin dito sa bahay.Hindi ko na rin kinalimutan ang gatas ng kambal at biscuits syempre.
Saktong nagsusuklay na ako ng buhok ng mabungaran ang kambal na nakaupo na sa higaan namin at nagkukusot ng mga mata nila.Lumapit ako sa dalawang anak ko.
"Magandang umaga mga babies ko!"
Nakangiti ko bati sa kambal na agad tumingin sa akin at ngumiti rin.
"Mowning po Nanay namin!"
Sabay na salita ng kambal sa akin ng makalapit na ako sa mga ito.Sabay rin na niyakap ako at hinagkan sa magkabilang pisngi.Lalo tuloy lumawak ang pagkakangiti ko sa labi dahil sa kasweetan ng kambal. Binigyan ko rin ng halik sa pisngi ang dalawa bago pinababa na sa kutson para maayos ko na muna ito.Nagtungo naman sa banyo ang kambal sa may labas ng kwarto namin para umihi bago maghilamos at mumog sa kusina.
Sa kusina na ako dumiretso pagkatapos ayusin ang pinag higaan nila sa kwarto.
"Nexxus, Nixxon nasa kusina na si Nanay bilisan nyo d'yan".
Sigaw ko sa kambal na narinig ko pa ang paghahagikhikan sa loob ng banyo.
"Opo Nanay andidiyan na kami ni kambal!"
Sagot naman pabalik ng isa sa kambal sa akin kaya nag-timpla na ako ng gatas ng mga ito.Pancake na pinahiran ng margarine na may budbod ng asukal na puti ang almusal nila.Meron naman na rin ako niluto na kanin at ginisang sardinas na may lahok na gulay.May ilang piraso rin hotdog na prito kung nais man kumain ng kanin ng kambal.
Nang malagyan sa kanya-kanyang plato ang kambal ay sunod ko ginawa ay ginising ko na rin ang dalawang kapatid ko.Sabay-sabay kami kumain at nang matapos ay si Joana ang nagligpit ng kinainan namin.
"May pupuntahan lang si Nanay kuya Nexxus at Nixxon.Behave kayo kila tito huh.Wag pasaway at kung maglalaro sa labas wag lalayo huh."
"Opo Nanay!Babait po kami ni kambal. Rararo lang po kami d'yan sa labas.Uuwi ka din po ba Nanay?Pasalubong po namin ni kambal!"
Sagot naman ni Nixxon sa akin.
"Opo uuwi rin si Nanay.Basta mabait kayo may pasalubong mamaya si Nanay.Joana ,Justin aalis na si Ate kayo na bahala muna rito sa bahay at sa pamangkin niyo!"
"Opo ate! Ingat ka.",si Joana na bagong lapit sa kanila.
Nagmano ang kambal sa akin bago ko halikan sa may noo ang mga ito na hinalikan rin ako pabalik sa magkabilang pisngi ko na yumakap pa sandali sa akin.Kumaway rin ang mga ito sa akin kaya binigyan ko ng ngiti ang mga ito bago kumaway rin pabalik.
Wala naman sinabi kung anong oras ako ngayong umaga magtungo doon pero inagahan ko pa rin.Mabuti na iyon maaga ako kesa sa hindi.Mag alas siyete pa lang naman ng umaga nang makarating ako sa subdivision.
"Magandang umaga po kuya guard!"
Masigla ko bati ng makalapit na sa may guard house.
"Magandang umaga rin ineng.May dala ka ba id d'yan?Pahingi ako ng isa para mabigyan kita ng gate pass at para maihatid sa bahay na pagtatrabahuhan mo."
Saad ng may edad na lalaki sa akin kaya naman agad ko nilabas ang isang valid id ko at iniabot rito.Pagkabigay ay tinuro nito ang maliit na parang patrol na sasakyan ng maabutan na ako ng gate pass at makapag login sa logbook na naroon.
Hinintay ko si kuya guard at hindi naman nagtagal ay umalis na rin sila para ihatid ako sa loob.Medyo padulong bahagi ng subdivision na iyon ang hinintuan namin. Apat na bahay ang magkatapat.Dalawa sa kaliwa at dalawa rin sa kanan.Sinabi rin sa akin ng guard na pinagbilin na ako ng magiging amo ko para ihatid at mabilis na makapasok.
Nag-doorbell naman si kuya guard na kaagad na may sumagot sa parang screen na nakakabit sa may gilid kung saan nag-doorbell ang kasama ko.Kusa na rin bumukas ang pinto kaya pinapasok na ako ng guard bago ito umalis.Automatic rin nag-sarado ang pinasukan at hindi lang iyon nag-lock rin.Nagitla pa nga ako sandali eh.
Nilibot ko ang paningin sa paligid.May isang magarang bahay na nasa gitna na gawa sa mga glass wall.Tanging kurtinang malaki at makapal ang nakaharang.Napalingon ako sa may unahan ng bumukas ang glass door doon at lumabas ang isang seryosong lalaki.Para nga pamilyar sa akin eh.
Naglakad ito palapit sa akin na ikinatuwid ko ng tayo.Pasimple rin ako huminga ng malalim para makalma ang sarili. Kinakabahan kasi ako!
"Good morning!"
Baritonong boses nito na buong-buo sa pandinig ko ang pagsasalita nito.
"G-good morning rin po S-sir!"
Nauutal kp pa sagot pabalik rito at bahagyang iniyuko ang ulo.
"Miss Jellybean Makahiya right?Follow me!"
Tumango ako sa lalaki bago sumunod na rito nang mag-umpisa na itong humakbang pabalik sa loob ng bahay.Hindi ko rin maiwasang hindi ilibot ang mata sa loob sa kabuuan ng bahay.Minimalist ang kulay. Black and white na may ilang paintings naman ang nakasabit sa pader.May hagdan rin pataas na sa wari ko ay second floor. Nakakalula rin ang mga naggagandahang chandelier.May nakita rin ako cctv cameras sa loob kaya itinigil ko na ang paglilibot. Nakakahiya naman kung makikita ako ng amo na malikot ang paningin sa paligid baka kung ano pa isipin sa akin.
"Welcome to Blanca's simple adobe!"
Nagulat pa ako sa pagsasalita ng lalaki ng huminto ito sa paglalakad malapit sa mga sofa naggagandahan rin ang mga ito kahit na ba kulay gray ito at mukhang mamahalin at yari sa matibay na materyales.
"P-po?"
Nautal ko na naman salita.Paano naging simple lang ito?Ganito na ba ngayon ang simple para sa mayayaman?Jusko wala pa ata sa kalahati ng bahay na ito ang maliit lang namin na barong-barong!Nakakalula kaya ang laki ng bahay na ito tapos tatawagin lang simple?Toinks!
Natawa naman ng mahina sa aking reaksyon ang lalaki na ikinahihiya ko naman agad. Dinaig ko pa ang nabundok talaga! Kakahiya!
"Okay ba sa'yo ang mag-stay in?"
Aniya pa nito maya-maya.
"Huh?Ah..Eh..okay lang po Sir."
Alanganin ko sagot sa lalaki.Jusko stay in ako edi ibig sabihin mawawalay ako sa kambal konga anak!Kaya ko ba?Bahala na si batman!
"Are you sure Miss Makahiya?"
"Yes po sir!Sure na sure po ako!"
Mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko.Aba baka hindi ako kuhain pag babagal-bagal ako na sumagot noh!
"Alright then you're hired!Just follow me, I'll tour you around this whole house to familiarize you then!"
"S-sige po sir!"
Sumunod nga ako sa lalaki na naglakad na muli paalis sa may sofa na ayon dito ay ang main living area.Ang kitchen naman daw ay nasa kaliwa kung saan naroon rin malapit ang dining area na may malaki at mahaba table na may magarang flower vase sa gitna.Ang laundry naman ay sa may likod bahay sa isang malaking kwarto kompleto na lahat roon.May daan rin sa kusina patungo sa likod at ang isang pinto naman na nasa kusina pa rin ay para sa mga stockroom ng food supply.May dalawang malaking refrigerator rin nakalagay doon bukod pa iyon nasa kusina na ubod ng laki na double door.Sa ilalim naman ng hagdan paakyat sa taas ay may pinto rin na stockroom naman para sa mga gamit panlinis sa bahay like vacuum cleaner, etc.May tatlong kwarto rin nga pala dito sa baba sa kanang bahagi. Isang maids room at dalawang guest room.
Sa taas naman ay apat na kwarto.Isang master bedroom, isang guest room sa kaliwa bahagi at ang dalawa ay dating kwarto ng among kasama ngayon at ang master bedroom naman daw ay sa kuya ng mga ito na nasa ibang bansa pa.Nabanggit din ni Sir Oreo na may bahay ito dyan lang sa katabi at ang katapat daw ng bahay nito ay sa kakambal.Kaya ang pagsisilbihan ko lang raw dito ay ang kuya ng mga ito na pauwi na kasama daw ang fiance!After ng tour namin sa second floor ay bumaba na ulit kami sa first floor.Lumabas kami sa front door para sa labas naman ako i-tour nito.
May malaking swimming pool sa kanang side at sa hindi kalayuan ay garden naman na may bahay kubo nakatayo.May ilang punong kahoy rin sa bakuran kaya presko ang hangin.May alaga rin aso ang mga ito na hindi ko alam ang tawag basta iyon malaking aso na parang lobo ganon.Itinuro rin nito ang mga cctv at sinabi rin sa akin na lahat ng lock sa bahay ay automatic at finger code ang gamit.Namangha ako sa nalaman grabe ang gara ng bahay ng amo.Dahil sa ako na ang magiging kasambahay roon ay i-niscan ang isang finger ko sa kanang bahagi bilang maging access ko sa mga door lock.
Sumunod naman ay lumabas kami para ipakita sa akin ang bahay ng kasama na kapatid ng magiging amo ko.
Kakalabas lang namin ng gate ng may tumawag na isang magandang babae sa katapat na bahay lang.
"Oy Oreo good morning!Sino yan kasama mo?Girlfriend mo?"
Napangiwi ako att nahiya sa sinabi ng magandang babae.Jusko napagkamalan pa ako eh sa manang nga ng ayos kong suot ngayon.Lumang maluwag na t-shirt at kupasing maong pants na medyo maluwag rin at isama pa ang sandals ko na mumurahin lang na luma na rin.Ang kutis ko na nasunog na kakabilad sa araw at ang kamay ko na halata ang mga ugat sa likod ng palad at may kalyo na rin dahil sa pagbabanat ng buto sa paghahanapbuhay. Kung noon ay naaalagaan ko ang sarili ngayon iba na ang sitwasyon ko.Mas kailangan ko unahin ang pangangailangan ng kambal at ng dalawang kapatid ko kesa sa sarili ko.
Wala naman kaso sa akin ang gano'n ang importante ay nakakain kami, malaks, walang sakit na dumadapo at higit sa lahat buhay araw-araw.Hindi ko na iniindang pagtuunan ang sariling ayusan pa at saka para saan pa di ba?Mas prioritize ko ang mga anak ang kakomportablehan ng mga ito sa araw-araw.
"Naku-naku hindi po Ma'am magiging kasambahay po ako r'yan!"
Nahihiya ko saad sa kaharap na babae sabay turo sa bahay na nasa likod namin. Hindi ako nahihiya dahil sa magiging trabaho ko dahil marangal ang pagiging kasambahay. Hindi ito dapat ikahiya kanino man dahil isa itong marangal na trabaho kesa gumawa ka ng masama sa kapwa mo.Nahihiya ako sa babae dahil ang ganda nito at ang kutis nito na mala porcelana na nakakatakot hawakan. Plus factor pa ang mukhang may lahi itong Italyana sa ganda ng mata.Simple pero sumisingaw sa karangyaan ang babae.Eh ako anak na nga ng lasinggero at nanakit na ama at ang ina ko na taklesa na sa akin lang noon umasa pagdating sa pera na ang kinikita ko noon nasa ibang bansa pa ako ay nilulustay lang pala sa pagsusugal.Malas na kung malas sa pagkakaroon ng magulang. Kaya pinangako ko sa sarili na hindi ko ipaparanas sa mga anak ko ang hirap na naranasan ko noon.She will never gonna repeat that kind of situation once in her lifetime—in her kids though!.
"Oh"
Tanging nasambit nito pero ngumiti rin kalaunan sa akin.Nilahad rin nito ang kamay sa harapan ko na hindi ko namalayan na nakalabas na pala nang gate ng mga ito.
"Hello I'm Sabrina Espiritu, neighborhood niyo ako at eto ang bahay namin!Nice to meet you!"
"N-nice to meet you rin po Ma'am Sabrina!"
Nahihiya at alanganin ko saad sa babae. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang nakalahad nito kamay o ano.Nakakahiya at nakakatakot hawakan kasi eh.Nagulat pa ako ng ito na ang umabot sa kamay ko.Wala tuloy ako nagawa kundi ang ngumiti ng hilaw na hindi ko alam kung ngiti nga ba yun o baka ngiwi!
"Ito naman Sabrina na lang o kaya Sab.Maka Ma'am ka naman titser yorn!?"
"Ah..eh..nakakahiya po kasi!"aniya ko ng walang ibang maisip na sasabihin rito.Hindi rin kasi ako komportable nakakailang eh!
"Oh siya ikaw bahala.Pasaan nga pala kayo Oreo?"saad nito sa akin bago bumaling sa kasama ko.Nakahinga tuloy ako ng maluwag.
Sinabi ni sir Oreo na patungo kami sa bahay nito para ipakita sa akin at ang bahay ng sa kakambal nito.Hindi naman na nag-usisa si Ma'am Sabrina dahil nagpaalam na rin ito ng tawagin ng isang gwapong lalaki na napag-alaman ko na asawa pala nito.Bagay na bagay sila.Mukhang matanda lang rin ng ilang taon sa akin ang babae.
Nang matapos ang tour namin ay sinabihan ako ng amo na bukas na ako mag-start.Mga alas nueve or ten daw ako ng umaga bumalik para makapag-ayos pa ako ng gamit ko na dadalhin.Sumang-ayon na lang ako bago nagpaalam na aalis na.Nahiya pa ako ng ihatid ako hanggang sa gate.Dapat kasi sa mismong bahay namin pinigil ko lang dahil labis-labis na ang hiyang nararamdaman ko talaga.Aba sobrang nakakahiya na, ang kapalmoks ko na!
Kagaya ng sabi ko sa kambal ay bumili nga ako ng pasalubong para sa mga ito. Kailangan ko rin ipaalam agad sa mga kapatid ang trabaho ko—ang pagiging stay in kp doon.Maganda ang sahod ko matatanggap plus mga benefits pa at saka ang day off ko na every weekend kaya naman may oras ako makakasama ang kambal kahit two days lang.Okay na rin 'yon at saka magiging malaking tulong na sa amin ang kikitain ko kaya tiyaga lang, basta para sa pamilya ko ay kering-keri ko gawin ang lahat lalo na para sa kinabukasan ng kambal.
Sinalubong muli ako ng kambal na naka antabay na talaga sa akin sa may labas ng bahay.
"Nanay!"
"Nanay namin!",
Duet na sigaw ng kambal na sabay pa na tumakbo para salubongin ako.Agad kp naman niyakap ang mga anak ko.Na miss ko agad ang kambal.Naku panigurado lalo ko mamimiss ang mga ito pag-alis ko bukas ng umaga.Hay para sa kambal at sa dalawa kong kapatid ay kakayanin ko ang malayo sa kanila.
"Kumusta ang kambal ko?Behave ba kayo?"
"Opo Nanay.Rararo lang kami ni kambal." matinis na sagot ni Nixxon."Bait po kami Nanay kila tita, rararo lamang kami ni kambal!",segunda naman saad ni Nexxus sa akin kaya ginulo ko ang buhok ng kambal sabay pisil ng magaan sa pisngi ng mga ito.
"At dahil mabait ang dalawa kong babies , may pasalubong si Nanay.Tadaaa.."
Pinakita ko ang supot ng tinapay at box ng cake na katamtaman lang ang laki na ikinapalakpak at talon ng kambal sa tuwa.
"Wow cake!Sarap 'yan Nanay?"
Magkasabay na salita ng kambal sa akin na tanging tango ang sagot ko at niyaya na ang mga anak papasok sa loob ng bahay. Nag-celebrate kami para sa bago kong work. Sinabi ko na rin sa dalawang kapatid ang tungkol sa trabaho at sa pagiging stay in ko doon.Sa kambal rin sinabi ko na nauwi pa nga sa iyakan ng mga anak ko.Nakatulugan na nga ng kambal ang pag-iyak eh.
Nang payapa at mahimbing na ang tulog ng kambal ay mabilis ang kilos ko na nag-ayos ng gamit na dadalhin.Konti lang ang gamit ko dadalhin at pinili ko ang maayos na damit pantaas kahit luma na at ang mga pangbaba ko at syempre ang panty at bra ko na ang iba ay ang napaglipasan na ng kulay pero pwede pa rin gamitin.Isang backpack lang na malaki ang bitbit ko para bukas at ang aking sling bag.Inilapag ko sa isang sulok ang naayos nang gamit bago umabay na rin sa kambal ko na magkayakap pa sa isa't-isa. Pinicturan ko rin ang kambal para may mababaon ako larawan ng mga ito.Mayroon rin ako kuha na magkakasama silang tatlo. May lungkot at saya akong nararamdaman bago matulog ng gabing iyon.Masaya kasi may trabaho na akong nahanap at malungkot naman kasi malalayo ako sa kambal ko.Hay buhay nga naman kung hindi ka nagsusumikap nganga ang aabutin mo.
Life is full of surprises and challenges!