KINABUKASAN NGA ay naglako muna si Jellybean ng banana cue at turon sa kanilang lugar.Tamang-tama naman na may mga construction worker sa kabilang barangay kaya doon ako dumayo ng paglalako.
Siniguro ko rin na bitbit ang lumang selpon at may baterya ito just in case na tawagan na ako ng ina-applayan ko.
"Banana cue kayo d'yan!Banana cue!Turon! Bagong luto at mainit-init pa.Bili na kayo!"
Sigaw ko habang naglalakad bitbit ang isang bilao na naglalaman ng paninda ko habang nakasukbit naman sa balikat ko ang bag na lagayan ng pera at plastic na supot.
"Oy, Jelly pabili nga kami!"
Napangiti ako ng makita ang kapitbahay namin na si Dodong na isa sa construction worker.Lumapit agad ako sa mga ito ng tawagin muli ang pangalan ko.
"Oh bili na kayo bagong luto lang iyan!"saad ko na nakangiti sa mga ito.
"Ang sipag mo talaga Jelly!Bigyan mo nga ako ng dalawang turon!"saad ni Dodong na agad ko isinilid sa supot ang dalawang turon matapos ibalot sa dahon ng saging.
"Ako rin isang turon at banana cue nga ganda!"saad naman nun isa na may ngiti pa sa labi.
Pinagbilhan ko rin ang iba pa na may pambobola pang sinasabi sa akin na hindi ko na lang pinapatulan.Hinayaan ko na lang ang mahalaga ay makabenta ako ng paninda ko ngayon noh!
"Salamat sa inyo!Sa uulitin muli!"
Pasasalamat ko sa mga ito ng makatapos sa pagbebenta sa mga ito.Ilang piraso na lang ang paninda ko kaya naman inilako ko pa sayang rin ang kita kasi.Napagawi ako muli sa may subdivision at nakita ko rin muli ang magandang babaeng napag tanungan ko kahapon.Oo nga pala hindi ko pa nga pala naitatanong ang pangalan nito.Dahil sa naisip ay nilapitan ko ang babae na may ilang nabili.
"Hi pabili naman ako ng palamig!"
Aniya ko agad matapos nito abutan ng maning binili ang lalaki na umalis rin agad.
"Oy, girl ikaw ulit.Ano sadya mo ngayon? Natawagan ka na ba?Eto na palamig mo!"
"Hindi pa sumasideline muna ako para kumita at eto naglalako muna ako.Gusto mo ba ng banana cue at turon?Kuha ka na libre ko pasasalamat ko sayo!"sagot ko na nakangiti dito bago inilapag sa harapan nito ang bilaong may laman ng paninda ko na dala na hindi pala nito napansin kanina.
"Wow, thank you.Nakakahiya naman same lang tayo kumakayod para kumita ng pera pero kakapalan ko na peslak ko!"
Natawa ako sa sinabi nito bago kumuha ng isang turon.Ako naman ay inubos na lang malamig na palamig na binili bago naupo sa plastic chair na inabot sa akin ng babae.
"Ano nga pa lang pangalan mo?"aniya ko maya-maya sa babae na busy na sa pagkain ng turon.
"Ligaya Sienna"
Saad nito na hindi alintana ang pagbigkas sa pangalan.
"Ako nga pala si Jellybean.Jelly na lang itawag mo sa akin.Friends?"
Nilahad ko ang kamay kay Sienna ng masabi ang sariling pangalan.
"Sure!Friends na tayo Jelly!Nice to meet you. May new friend na naman ako.Hihi"
Hagikhik pa nito salita na kinatawa ko na lang rin ng mahina.
Naputol lang ang pagtatawanan namin ng may dumating na isang lalaki.Macho at gwapong lalaki pero kay simple ng suot. Maong na butas-butas at kupasing sando!
"Oy, my peanut pabili nga ako ng mani mo at siopao mo!"
Natawa ako sa sinabi ng lalaki, hindi naman sa bergin island na malumot ang utak ko noh pero para kasing iba ang dating ng sinabi nito kay Sienna.Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha ni Sienna sa sinabi ng lalaki.Inirapan pa nga nito eh pero pinagbilhan rin naman.
"Oh ayan na ang binibili mo, samahan mo na rin nitong panulak na masarap na palamig ko!"
Narinig ko balik na sagot ni Sienna sa lalaki na kumindat pa sa dalaga.Magpapaalam na sana ako kay Sienna na mauuna na para ipaubos sa paglalako ang paninda ko ng marinig ang boses ng lalaki na nagsalita muli kay Sienna.
"My peanut ano 'yan kinakain mo?Patikim ako mukhang masarap parang etong mani at siopao mo!"
"Bastos ka talagang kulugo ka!Naku matitiris na kita!"singhal naman pabalik ng dalaga sa lalaki.
"Eto naman bastos agad my peanut, hindi ba pwedeng yummylicious lang ako lalo na pag nakahubad baro!Ano nga kasi 'yan kinakain mo pahingi konti lang.Sige ka baka matiyan ako kasalanan mo pa!"
Hindi ko na mapigil ang hindi mapangiti sa dalawa na nagbabardagulan.Ang cute nila tingnan kasi.Binigyan nga ni Sienna ang lalaki pero konti nga lang na kinatawa ko na ng mahina lalo na ng magreklamo ang lalaki.
"My peanut hindi man lang sumayad sa lalamunan ko!Grabe ka talaga sa akin!"
Saad pa nito na nagdrama pa pero nagulat sila ng abutin nito ang wrist ni Sienna at isubo ang turon na hawak nito sa kamay. Awang ang labi ko sa mangha sa ginawa ng lalaki at saka kung alin 'yon kinagatan na ni Sienna ay doon rin kumagat ang lalaki na kinatigagal at tulala rin ni Sienna sandali na dinaig pa ang mukhang natuklaw ng ahas at hindi na nakakibo sa pwesto.
"Wow ang sarap nito!Saan mo nabili my peanut?May tinda ka ba diyan"
Salita pa nito na hindi alintana ang pagkatulala ni Sienna sa ginawa.
"Huh?"
Saad ni Sienna bago ako tinuro kaya naman lumingon sa akin ang lalaki na nakangiti. Lumapit pa ito sa pwesto ko talaga.Hindi ko tuloy alam kung ngingitian ko ba ang lalaki o kung ano.Nahiya kasi ako bigla!
"Ikaw may tindi nitong kinakain ni My peanut?Pabili ako!"
"A-ah…O-oo!"
Nautal ko pa na sagot sa lalaki bago ipinakita ang paninda ko dito na may sampung piraso na lang ata iyon.
"Bilhin ko na lahat iyan.My peanut kuha ka na uli, akin na yan nasa kamay mo!"
Salita nito muli na bumaling kay Sienna na lalong hindi nakakilos ng isubo na ng buo ng lalaki ang konting natirang pirasong turon sa kamay ni Sienna.Bumaling rin agad ito sa akin na ngumunguya pa.Inulit rin nito na bibilhan na lahat ng iyon kaya mabilis ko na binalot sa dahon ng saging bago isinilid sa supot at iniabot sa lalaki.
Napasinghap pa ako ng isang buong isang libo ang ibigay sa akin ng lalaki sabay sabi ng keep the change.Aba ang swerte ko naman ngayon dahil naubos agad ang natira kong paninda at labis-labis pa ang bayad. After no'n ay binigyan si Sienna ng lalaki ng turon at banana cue bago ito umalis.Habol na lang nila ng tingin ni Sienna ang sasakyan ng lalaki papasok na sa subdivision.
Natahimik na lang rin si Sienna kaya nagpaalam na ako rito.Kinuha ko rin ang peysbuk account nito at number para pwede pa rin kami mag-kumustahan kung sakali.
Umuwi ako na may ngiti sa labi.Ang swerte naman ng naging araw ko ngayon sa pagtitinda at lalo pa ako natuwa nang nakatanggap na ng tawag mula sa inaplayan ko sa may subdivision at ayon pa sa tumawag sa akin ay pinapapunta ako bukas ng umaga sa subdivision.Para makausap ng may-ari—nang magiging amo ko!Ang swerte-swerte ko today sana everyday ako palagi sinuswerte sa buhay.