"Are you okay Jelly?" Naputol ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay ng marinig ang boses ng binata.Napasinghap pa ako nang maramdaman ko ang presensya nito mula sa likuran ko.Ang mainit nitong hininga na tumatama sa may ulunan ko.Hindi ko alam tuloy kung lilingon ba ako o huwag na lang! Muling nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga bago sumagot sa binata na hindi ko man lang tinapunan na lingunin dahil ayokong makita nito ang ginawa kong pag-iyak. "O-okay..lang ako!Pasok na ako sa loob tapos ka na pala kumain.Sige po sir mauna na ako!" Saad ko na mabilis na pumihit paharap habang nakayuko ang ulo at naglakad na papasok muli sa loob ng bahay.Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng binata na autodedma na lang ako at hindi na pinagkaabalahan pa na lingunin ito.Diretso lang ang lakad ko

