DALAWANG ARAW NA ANG lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang naganap na komprontasyon sa pagitan namin ni Phoenix. Hindi ako nakatulog ng maayos at naging dahilan pa iyon para mas lalong mabulabog ang sistema ko.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang problemahin iyon gayong kung nanaisin ko naman ay pwede na lang ako umalis pero sa isang banda may pumipigil sa akin na hindi ko alam kung ano at bakit. Todo iwas pa rin ako sa binata kahit na madalas ako ma-korner nito dahil nasa iisang bahay lamang naman kami.Para nga balewala lang sa binata ang ginagawa kong pag-iwas dahil panay pa rin ang dikit nito sa akin na ikinaiinis ko lalo dahil nagugustuhan iyon ng sistema ko kahit na sa isip ko ay dapat akong umiwas.Sadya lamang na sutil ang puso ko pagdating sa binata. Lumipas pa ang da

