ROWENNA SANDOVAL Habang nasa elevator kami ay panay amoy ko sa sarili kong hininga. Tinapat ko 'yong kamay ko sa tapat ng bibig ko at humihinga doon. Gano'n lang para maamoy ko 'yong hininga ko. Takte. Kakakain ko lang kasi. Mamaya ay bigla kaming maghalikan ni Keith pagkapasok pa lang namin sa kuwarto niya. Nakakahiya naman kung mabaho na pala ang hininga ko. Hindi ko tuloy maiwasan mapabuntong hininga ng malalim. Punta kaya ko muna sa kuwarto ko para makapag-ayos muna? Lumingon ako sa direksiyon ni Keith na parang punong kahoy dahil hindi man lang siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at ang seryoso pa ng mukha niya. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong sinasaniban ang isang 'to. Napapailing na lang tuloy ako ng ulo. "Ahm, Keith." Hindi ko pa nadudugtungan ang sasabihin ko p

