ROWENNA SANDOVAL Humihikab pa ko nang imulat ko ang aking mata dahil parang may matigas na unan sa tabi ko. Kanina ko pa gustong yakapin at kinakapa ito pero hindi talaga siya malambot. Alam mo 'yon? Wala naman akong ganitong unan kaya kahit na naaantok pa ko ay nagmulat na lang ako ng aking mata. Teka. Bakit may pandesal este abs ba 'to? Unti-onting bumilis ang t***k ng puso ko at parang kinakabahan na talaga ko habang dahan-dahan na inaangat ang aking paningin sa mukha ng taong katabi ko ngayon. Shet! May anghel este demonyong natutulog sa tabi ko! I mean, bakit katabi ko si Keith dito? Teka. Ngayon na naalala ko. Nakatulog yata ako sa kuwarto ni Keith kakakain kanina. Waah! Kung p'wede lang sana sumigaw ngayon ay kanina ko pa ginawa. Kaya lang baka magising ang leon at ako ang

