ROWENNA SANDOVAL Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Keith. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa tingin ko ay kailangan ko pa ng paliwanag niya bago ako tuluyan na maniwala sa kanya. "W-What do you mean?" Pati tuloy ako napapa-english na. Nahawa na tuloy ako kay Keith dahil sa gulo ng utak ko ngayon. Lumingon ako kay Keith at nakita ko siyang nakayuko habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao. Hala! Yari na! Balak na yata akong suntukin nito dahil sa kakatanong ko sa kanya. Napatiklop tuloy bigla ang bibig ko at hindi ko na inalis ang paningin ko sa direksiyon ni Keith. Para kapag susuntukin na niya ko ay makakaiwas ako kahit paano sa kanya. "I could not sleep for too long even if it's evening or morning. I could not sleep no matter what. Even if I drink a lot of sleep

