ROWENNA SANDOVAL Mukhang wala namang balak tumulong sa akin ni Keith dahil panay lang ang tawa sa 'kin kaya ako na lang ang tumayo at kumuha ng tubig sa refrigerator. Tinungga ko na lang ang isang lagayan ng tubig doon dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang bara sa bibig ko. Napadami pa nga ang pagsubo ko kanina. Tsk! Pagkatapos ko makainom ng tubig ay agad akong bumalik sa upuan ko habang nakatingin ako ng masama kay Keith. Nakatingin din siya sa akin pero panay pa rin ang pagtawa niya sa direksiyon ko. "Sige. Tawa lang. Sa ganyan ka naman magaling. Kasalanan ko lagi lahat at kapag ako ang nagkamali, pagtatawanan mo lang ako. Pagkatapos kapag ikaw na pupunain ko, magagalit ka bigla." Umupo ako sa tabi ni Keith at nagpatuloy ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero pa

