ROWENNA SANDOVAL Umiwas agad ako ng tingin kay Ronald pagkatapos kong magsalita. Kasi naman. Napagtanto ko na parang nasobrahan na ko sa mga pinagsasabi ko kay Ronald. I mean, tama lang sa kanya 'yon pero secretary lang naman niya ko at boss ko siya so doon ako sumobra. Kinakabahan na nga ako dahil ilang minuto na kong naghihintay nang magiging sagot sa akin ni Ronald. Bakit hindi siya nagsasalita? Tinamaan ba siya ng husto sa mga sinabi ko? Sus. Parang 'yon lang e mas malala pa nga roon ang mga bagay na pinagsasabi niya sa akin noon pero natiis ko naman lahat at ngayon ay ito ako. Sa kanya pa nagtrabaho. Tsk! "Then, do you want to wear my clothes and we will buy later?" Bahagya akong natigilan sa naging sagot sa akin ni Ronald. Akala ko kasi ay magagalita siya o makikipagtalo p

