CHAPTER 60

1023 Words

ROWENNA SANDOVAL "Keith and I used to be friends before." Natigilan ako sa narinig ko. Tumingin pa ko sa direksiyon ni Ronald dahil baka nagkamali lang ako ng narinig. Malay ko ba kung niloloko lang pala ako ng lalaking 'to 'di ba? Pero agad na nawala ang pag-aagam-agam ko nang makita ko ang seryosong mukha ni Ronald. Hawak pa rin niya ang isang baso na may lamang alak pero konti na lang ang laman no'n. Tinitigan ko pa ng maigi ang mukha ni Ronald dahil akala ko umiiyak na siya. Madilim kasi rito sa sala dahil nakasarado ang ilaw at sa tingin ko, sa kakainom namin kanina pa ay sumapit na ang gabi nang hindi namin namamalayan. Med'yo nakakaramdam na nga rin ako ng pagkahilo pero hindi ko lang pinapahalata sa katabi ko. Baka kasi ano pa gawin nito kapag nalaman niyang lasing na ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD