ROWENNA SANDOVAL Nakatingin ako sa labas ng kotse habang nakaupo sa passenger seat at nasa tabi ko naman si Ronald. Mukha lang akong kalmado ngayon pero shet! Ang totoo niyan ay iniisip ko talaga kung bakit parang kanina pa umaandar ang kotse ni Ronald at hindi pa rin kami humihinto. Parang papunta na nga kami nito sa Philippine Airline. Ano kaya ang balak ng isang 'to? Ang layo na ng narating namin. Hindi ko tuloy alam kung makakauwi pa ko nito agad. Mabuti na nga lang at hindi pa siya napapagod sa lagay na 'to. Pinapauwi niya lagi ang driver niyang mag-isa at gusto niya ay siya pa ang magmaneho. Pagkatapos papaupuin niya ko sa passenger seat. Hindi na nga ako nakatiis dahil naandar pa rin ang kotse namin ngayon kaya lumingon na ko sa direksiyon ni Ronald na nakatuon ang buong atensi

