ROWENNA SANDOVAL Pagkiramdam ko ay bigla akong nanghina dahil sa ginawa ni Ronald. Naipikit ko pa ang aking dalawang mata habang magkadikit pa rin ang labi naming dalawa. Wait! This is really wrong! Itutulak ko na sana si Ronald pero humiwalay na rin sa wakas ang labi niya sa 'kin. Kaya lang, nasa harapan ko pa rin siya at hindi pa rin siya umaayos ng puwesto niya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko pero nagawa ko nang ibaling sa ibang direksiyon ang paningin ko. Naramdaman ko lang ang kamay ni Ronald na humawak sa baba ko. "W-Why are you doing this, sir? Y-You have a—" "Say her name again and I will do something more to you." Natigilan ako sa pagsasalita nang marinig ang boses ni Ronald. Hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin ko sana dahil baka totohanin pa niya ang sinasabi

