ROWENNA SANDOVAL Hindi ko alam kung matutuwa ako para manatili ang pagiging kalmado ko sa harapan ni Ronald o ipapakita ko na ang inis sa mukha ko dahil sa ginawa niya. Nag-iisip ba talaga ang isang 'to? "Sir, bakit mo naman ako binuhusan? Alam mo naman na wala akong dalang damit na p'wedeng ipalit sa suot ko ngayon." Med'yo kalmado pa ko nitong magsalita pero konti na lang at malapit ko nang mabatukan itong katabi ko ngayon kahit boss ko pa siya. "Sorry. My hand slipped because of the plane's shaking." Napasimangot na lang ako dahil sa naging sagot sa akin ni Ronald na mukhang hindi man lang niya pinag-isipan. Halata naman kasi na hindi siya nagsasabi ng totoo. Ano nang gagawin ko ngayon dito? Basang basa ang suot kong damit at kulay puti pa kaya mas lalo tuloy halata ang stai

