CHAPTER 52

1017 Words

ROWENNA SANDOVAL "Tss. Crybaby." Napairap na lang ako ng mata dahil sa narinig. Kanina pa niya sinasabi 'yan nang makita ako ni Ronald na umiiyak. Ewan ko ba d'yan sa kanya. Hindi ko alam kung siya ang nang-aasar o siya ang naaasar kanina pa e. Sa kabila ng lahat ng sinabi ko kay Ronald, ito pa rin kaming dalawa at magkatabi pa rin. Narinig ko kanina mula sa flight attendant na malapit nang magtake-off ang sinasakyan naming private plane niya. Med'yo nakahinga ako ng maluwag kahit paano dahil makakababa na rin kami sa wakas at hindi ko na makakasama mag-isa si Ronald. Shet! Anong naisip ko at umiyak ako sa harapan niya kanina? Anong naisip ko at sinabi ko kay Ronald ang lahat ng mga katagang 'yon? Waah! For sure, mapapaisip na ang isang 'to kung talagang may gusto ba ako sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD