ROWENNA SANDOVAL Right. Kung hindi nahihiya si Ronald sa ginagawa niya, ako na lang ang tatayo para lumayo sa kanya. Take his time kumbaga. Baka bigla pa kasing gumalaw ang kamay ko at matulungan ko pa siya kahit hindi ko naman talaga gusto. Dahan-dahan kong inayos ang sarili ko bago ako tumayo. Baka kasi mapalingon pa sa direksiyon ko si Ronald at mapansin pa niya ang pagnanais kong makalayo sa kanya ngayon. Kaya lang, wala pa ngang ilang minuto ang nakakalipas e hahakbang pa lang sana ako papuntang banyo, may humawak na agad sa kamay ko. Ronald continued to do what he is doing while holding my hand too. Hindi pa rin ako makatingin sa direksiyon ni Ronald dahil ako talaga ang nakakaramdam ng hiya sa kanya kanina pa at sa tingin ko, kapag lumingon ako ay baka bigla na lang akong lum

