ROWENNA SANDOVAL Huminto at bumukas ang elevator pero hindi pa kami agad bumaba dahil hindi pa naman dito ang office ni Ronald. Hindi ko nga alam kung bakit kasama kong umangat ang CEO ngayon at nakita niya pa ko sa may gilid ng hagdan. Siguro ay galing sa labas ang isang 'to. Patay! Baka nakita pa niya na kasama ko si Teq. Pero sa tingin ko naman ay hindi niya nakita base sa kinikilos ni Ronald ngayon. Sadyang nahagip lang din siguro ng mata ni Ronald ang isang katulad ko habang paakyat siya ng elevator kanina. Shet! Ang dami pang pumasok sa loob ng elevator kahit may mga lumabas nang employee. Halos mag-overload na nga kami sa loob. Tss. Sa sobrang stress ko dahil halos wala na kong puwang sa loob, hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Ronald. As in nakaharap talaga siy

