ROWENNA SANDOVAL Naupo lang ako sa gilid ng garden pagdating ko doon. Tumalikod na lang ako sa direksiyon nina Allisa at Ronald para naman hindi ko makita ang pagmumukha nilang dalawa. Tss. Ano ba kasing pumasok sa isipan ni Allisa at pinasama pa ko rito. Kung gusto niyang ipamukha sa akin na siya lang ang mahal ni Ronald, nakita ko na 'yon kanina. P'wede na niya kong pauwiin ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Naalala ko. Hindi ko rin pala alam kung paano ako makakauwi kay Keith. Hindi ko naman alam ang address o daan kung paano ako makakapunta sa penthouse niya. Sigurado ako na nagagalit na 'yon si Keith dahil gabi na at hindi nila alam kung nasaan ako. Tama! Ngayon na nasa loob naman si Ronald. P'wede na kong tumawag kay Keith. Kinuha ko ang aking cellp

