ROWENNA SANDOVAL Halos mag-iisang oras na rin nang huminto ang sinasakyan namin ni Ronald. Med'yo kinakabahan na nga ko sa kalagayan na 'to dahil hindi ko pa rin nakakausap si Keith. Baka kanina pa ko hinihintay ni Teq sa lugar ng kitain namin. Baka kung ano na naman ang gawin sa kanya ni Keith kapag umuwi ito na hindi ako kasama. Napabuntong hininga na naman tuloy ako ng malalim. Pagkababa ni Ronald ay hindi na ko naghintay na pagbuksan niya ko ng pinto. Asa naman ako sa isang 'to. Lumabas na ko ng kotse at sumunod kay Ronald papasok ng restaurant. Hindi ako sumasabay sa paglalakad niya pero nanatili lang ako sa likuran niya dahil baka mawala ako sa mamahalin na restaurant na 'to. "Welcome, sir. Please, this way po." Tumango lang si Ronald sa kanya. Nabaling sa akin sandali ang

