ROWENNA SANDOVAL "Ahm, right. Go to the right side and you will see the comfort room there at the end of the hallway." Napangiti ako nang makita ang naging sagot sa akin ni Ronald. Akala ko ay walang banyo e. Nakahanda na sana akong tumakbo palabas ng company para pumunta muna sa fast food chain katulad ng jobee pero imposible naman kasi na walang banyo sa company na 'to. Paano na lang kung mangailangan din ng banyo ang empleyado nila at sabay-sabay pa. Eh 'di sabay-sabay din silang pupunta ng jobee niyan. Pfft! Hindi ko tuloy maimagine ang bagay na 'yon. Nakalimutan ko nang magpasalamat kay Ronald dahil kumaripas na ko agad ng takbo papuntang banyo. Habang tumatakbo pa nga ko ay may nabunggo pa kong lalaki. Sa kakamadali ko ay yumuko na lang ako sa kanya at kumaripas na ulit ng banyo

