Kabanata 5

1831 Words
Kabanata 5 Esmee Nang makarating siya sa taas, dalawang pinto lamang ang naroon. Kulay itim at pula. Pinagmasdan niya ang paligid at katulad sa ibaba, madilim din ngunit may liwanag na nakatakas mula sa sikat ng araw. May malalaking kurtina rin ang mga bintana na aakalain mong alerdye ang mga tao rito sa sinag ng araw.  Napalingon siya sa kaliwa niyang banda nang may maramdamang presensiya. At doon, nakita niya ang bata sa gitna ng pasilyo na matiim na pinagmamasdan siya.  Ngumiti siya. "Hi," bati niya.  Hindi ito ngumiti pabalik. Nanatili lang itong nakatayo at pinagmamasdan siya.  Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya. Bakit ang hilig manitig ng mga tao rito sa mansiyon? Wala naman siyang ginawang kasalanan sa mga ito kaya nakakapagtaka lang. At ang kinababahala niya ay baka mahalata sa kaniya na may balak siya kaya nandito siya sa loob ng mansiyon.  Lihim siyang napabuntong-hininga. Hangga't hindi pa siya gumagawa ng hakbang, hindi siya nito pagdududahan at papaalisin. Maliban na lamang kung may makakaalam sa kung anuman ang kaniyang iniisip.  Tiningnan niya ulit ang bata. Ganoon pa rin ito sa kaniya, nakatitig.  Ngumiti ulit siya. Hindi katulad kanina, nilakihan pa niya ang ngiti at masigla ang boses na bumati ulit.  Ngunit wala pa ring epekto iyon sa bata.  Bumagsak ang balikat ng dalaga. Paano ba magpagaan ng loob ng isang bata? Wala siyang karanasan sa bagay na iyon.  Tipid na lamang niya itong nginitian at tumalikod. Nakakahakbang pa lang siya ng isa ay biglang nagsalita ang bata na kanina lamang ay tahimik na pinagmamasdan siya.  "What's your name?" Natigilan siya. Ang malamig nitong boses ay sapat na para tumayo ang balahibo niya sa batok. Napahawak siya roon at humarap ulit dito.  "Meos Monroe," sagot niya. "Ikaw? Anong pangalan mo?" "Esmee... Desmerald Hale." Natigilan na naman siya.  Hale.  How is she related to the late Mr. Darius Hale? Gusto niya itong tanungin ngunit naalala niyang bata ang kaharap niya. Ayaw niya naman banggitin sa harap nito na wala na si Darius Hale na ngayon ay isang estranghero pa rin sa kaniya. Estranghero pero kailangan niyang malaman kung nabigyan ba ito ng maayos na libing o hindi.  Wala naman siyang mahihita kung malalaman niya iyon. "How old are you?" Tanong ulit niya.  The kid titled her head as if deciding if she will answer her question or not.  Napangiti siya nang iangat nito ang kanang kamay at ipinakita ang buong palad.  "Five," tipid nitong sagot at ibinaba ang kamay saka mabilis na tumalikod. Hindi pa rin nawala ang ngiti niya nang nilapitan niya ang bata at kinalabit sa balikat.  Mabilis naman ulit itong humarap sa kaniya.  Lumuhod siya sa harap nito at hinawakan ang dalawang kamay. "Do you want to play?" "Hide and seek?" Umiling siya. "No. Dolls?" Napasimangot ito. "I want to but, he will get mad if someone enter his room." Kumunot ang kaniyang noo. "Who's he?" "He..." hindi pa nito natatapos ang sagot ay mabilis nitong binawi ang kamay sa kaniya at tumakbo. Pumasok sa kulay itim na pintuan na kaharap lang ng kaniya. Ilang segundo siyang natulala roon hanggang sa makarinig ng yabag palapit sa kaniya.  Kaagad naman siyang tumayo at hinarap ang papalapit na panauhin. Nakita niya ang babaeng mataray na may dalang ilang paper bag at hindi na bago sa kaniya ang klase ng paninitig nito. Masama, as usual. "Ito ang mga damit mo," anito at inilapag sa sahig ang mga dala. Sumulyap ito sa likuran niya, sa silid na pinasukan ng bata. "Siya lang ang kasama mo rito sa taas. Kapag may mangyari sa kaniya na masama, ikaw kaagad ang maituturo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakaligtas pa." Kahit ayaw niya sa pakikitungo nito sa kaniya ay nagawa niya pa rin itong ngitian. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin ko ring mauuna kang mapahamak bago ako." Sagot niya rito at kinuha ang mga paper bag sa sahig at nilampasan ang babae. Pumasok siya sa kulay pulang pintuan na nakabukas bago malakas na isinarado ito.  Ang babaeng iyon! Ano nga ba ulit ang karapatan nitong pagsalitaan siya ng ganoon? Hindi porque pareho sila ng inaapakang bahay ay puwede na nitong sabihin sa kaniya ang mga salitang hindi naman dapat niyang matanggap. Naiinis siya roon. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakasalamuha ng ganoon ang pag-uugali na kung magsalita ay para bang kaya siya nitong patayin.  Napatigil siya sa naisip.  "Oo nga pala, hindi ko siya kilala. Baka nga kaya niya iyon gawin," bulong niya sa sarili at umupo sa kama. Mariin siyang pumikit nang makaramdam ng matinding iritasiyon.  Bakit nga ulit siya nandito sa mansiyon? Naiinis na sinabunutan niya ang sariling buhok at sinipa ang mga paper bag na nasa paanan niya. Naiinis siya sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi, naiinis siya roon sa babaeng mataray ngunit naisip niya na masyadong mababaw ang dahilan niya.  Nasa ganoong akto siya nang may kumatok. Napatingin siya saglit sa pintuan at nagmadaling inayos ang sarili pati na rin ang mga paper bag na binuntunan niya ng inis. Sigurado siyang si Esmee ang kumakatok dahil siya lang naman ang kasama niya rito sa taas.  At hindi nga siya nagkamali nang pinagbuksan niya ang kumakatok.  Inangat nito ang dalawang kamay na may hawak na laruan.  "Let's play." Saad nito at walang paalam na pumasok sa silid.  "I'm hungry..." napatingin siya kay Esmee na hinihimas ang tiyan sa gutom. Napangiti siya at pinagmasdan ito na nakanguso habang paulit-ulit na bumubulong na,  "I'm hungry..." ulit nito. Itinabi niya ang mga laruan nito. Kanina pa sila naglalaro ng mga manika nito at ngayon lamang ito nagreklamo na nagugutom na samantalang ilang oras na silang naglalaro. Hindi yata niya napansin ang oras at napasarap sila sa paglalaro.  "Do you want to go down? I will get you food and feed you." Bigla itong tumayo. "No need. Lala is coming with our foods." Sambit nito at naglakad patungo sa nakasaradong pintuan.  Sakto naman na may kumatok na kaagad niyang ikinatayo. Dali-dali niya itong binuksan para masigurado ang sinabi ni Esmee at ganoon na lamang ang pag-awang ng bibig niya dahil tumambad nga ang sinasabi nito.  "Esmee," ang matandang babae na may dalang bandeha ang nagsalita.  "Lala..." Tumingin ito sa kaniya at inabot ang dala na kaagad naman niyang kinuha. Inilagay niya ito sa maliit na mesa at sinimulang ligpitin ang mga laruan. "Are you okay here?" "Yes, Lala. Meos played with me. It was fun." Napatigil siya sa narinig.  Meos? No Ate? Tita or what?  Napailing siya at pinagpatuloy ang pagliligpit habang ang mga tainga ay alertong nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.  "Esmee, it should be Ate Meos not Meos. It's a sign of respect to someone who is older than you." "She's old, Lala? Like you?" Napaubo siya sa narinig. Mukha ba siyang matanda? "No. I'm older than her, Esmee. And she is older than you so, call her Ate Meos." "But she's not my ate!" "Esmee..." Natahimik ang bata sa naging tono ng boses ng babaeng matanda. Napasulyap siya rito at napaiwas din nang makitang nakatingin sa kaniya ang matanda. "Fine. I will not call her Ate or Meos anymore. Problem solved," naglakad ito papalapit sa kaniya. Napaangat naman ang tingin niya rito. "Fix it later. Let's eat first and you said you will feed me so, feed me." Bakas ang awtoridad sa boses nito at wala siyang nagawa kung hindi ang tumayo at iwan ang nililigpit na laruan.  Napatingin siya sa matanda na seryoso silang pinagmamasdan. "Do what she told you," utos nito sa kaniya at umalis. Siya naman ay tumango na rin at isinara ang pintuan saka tumabi kay Esmee na nakaupo sa kama niya.  "You are a bit rude, Esmee," sinabi niya rito at sinimulan itong pakainin.  Tulala siyang nakatitig sa kisame ng silid. Ang silid na nilipatan niya. Katulad pa rin ito ng kulay sa naging silid niya sa baba ngunit ang mga gamit nito ay nadagdagan. Pati ang banyo ay may busol na rin kaya madali niya itong natukoy.  Ang inaalala niya ngayon ay ang kaniyang plano. Ang kaniyang hamon na hindi niya alam kung magagawa niya pa lalo na ngayon at naalala niya ang kaniyang bag na hindi niya alam kung nasaan. Nasaan nga ba ito? Pati ang selpon niya ay wala sa kaniya.  Naalala niya lang ang bagay na iyon nang umalis si Esmee sa silid niya pagkatapos niya itong pakainin.  Ano ng gagawin ko?  Napabuntong-hininga siya at bumangon. Nagtungo sa bintana at bahagyang binuksan ang makapal na kurtina. Sumilip siya roon at nakitang madilim na ang kalangitan. Tiningnan niya ito pababa at wala man lamang siyang nakita na nakakuha ng kaniyang interes. Bulok na bulok na siya rito sa mansiyon kahit magi-isang araw pa lang siyang narito.  Isinara niya ulit ito at ang pinto naman ang kaniyang tinungo. Wala naman masama kung lalabas siya at maglakad-lakad lang sa pasilyo. Hindi rin naman siya makikita ng kung sinuman dahil silang dalawa lang ang tao sa taas ni Esmee at hindi naman ito malalaman ng mga panauhin na nasa baba.  Pinihit niya ito pabukas at bumungad ang madilim na paligid. Wala ng araw kaya wala ng sumisilip na liwanag.  Maingat niyang isinarado ang pinto sa likuran niya. Nasulyapan na naman niya ang kulay itim na pintuan. Ano kaya ang mayroon doon at nakakaramdam siya ng kahiwagaan tuwing napapatingin doon?  Hindi niya namalayan na naglalakad na siya palapit doon. Para bang may sariling isip ang kaniyang kamay na umangat at hawakan ang busol. Pipihitin na sana niya iyon nang may marinig na boses mula sa loob.  "Don't you dare to open the door." Nagulat siya sa narinig.  Paano nito nalaman na bubuksan niya ang pinto samantalang nasa loob ito?  "Esmee..." tawag niya ngunit hindi pa rin binibitawan ang busol.  "Don't. Anytime, he will enter this room and if he sees you, you cannot find any way to escape anymore." "But..." "You still have your mission, right? If you want to accomplish it, don't come near this room. And don't dare to come out in your room at this hour. Lala told you and I quote, 'Don't wake the beast that's sleeping soundly beneath the ground.'" "Pero hindi ko iyon maintindihan." "It's better not to know anything for the sake of your safety." "Enlighten me..." "No. I told you, you're safe when you know nothing." Naibaba niya ang kamay at napayuko.  "I still want to know even if it means risking my life." "You don't know what you'll be facing the following seconds, minutes, hours, and days. Just don't stick your nose with those things that are now bothering you. Don't let curiousity kills you," Esmee paused. "I don't want you to involve with the kind of living we have. You're better off this way. A normal human who can freely enjoy the life she had." Natahimik siya. "Just this time, listen to me. Because if you don't, you will be stuck here with us, with him forever." "Who's he?" "Go. He's near. The clock is ticking and he will be here, soon." "You're scaring me," mababa ang boses na sabi niya.  "I'm not. He's near..." anito. Lumingon siya kaliwa't kanan na bahagi ngunit wala siyang makita. "He's near." "Esmee..." pakiramdam niya ay may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan niya.  Hindi galing sa kaniya ang boses na iyon. Hindi galing sa kaniya ang nakakatakot at napakalamig na tono ng boses na iyon.  Nanatali siyang nakatalikod dito hanggang sa may marinig na naman siyang boses. Hindi isa, kundi dalawa. Sa pagkakataong ito ay gusto na lamang niyang maglaho at bumalik sa normal na buhay na kaniyang tinatamasa noon nang hindi pa siya rito napadpad.  "Dad..." "Darius Hale..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD