Kabanata 6

1912 Words
Kabanata 6 Shadow Nanginginig sa kaba ang dalaga habang nakayuko't kaharap ang matandang babae. Tahimik ang paligid at tanging ang malalakas na kabog ng kaniyang dibdib ang maririnig. Gusto niya na lang itong dukutin mula sa hawla sa takot na baka may makarinig kung gaano ito kalakas na tumitibok. Kinakabahan siya hindi dahil sa posible siya nitong pagsabihan at palayasin, kung hindi dahil sa narinig na pangalan kanina.  Darius Hale. Sa pagkakaalam niya ay payapa na itong natutulog sa ilalim ng lupa ngunit, ano ang kaniyang narinig ilang minuto lang ang lumipas? "He's dead..." she whispered. "He was," napaangat siya ng tingin sa matanda. Nagtataka ang mga mata niya. "He was dead but not until yesterday." "Anong ibig mong sabihin?" The old woman sighed. "This mansion has the secret that no one should know and that includes you, Meos. Even you're here, living with us in this dark and big mansion, you are not still allowed to know everything that we have been hiding for a very long time now. It will be the end of our lives if that happens so, we are very careful to this matter," she paused. "As long as you don't know any single idea about what's happening or what will happen in the following days, you're safe. We are all safe." "I want to know. I'm now a part of this..." The latter just laughed. "Don't make me laugh, Meos. You're here because you want something to discover. You're here because you chose to pursue that little game of yours. It does not make you being part of us. You're different and not worthy to be one of us." Napayuko siya sa sinabi nito. Why did she forget that she's just here to prove that she can do anything whatever the people around her ask her to do? She should not be meddling with other people's business.  Tipid siyang ngumiti. "I'm sorry for being nosy," she apologized.  The woman waved her hand at the air. "It's alright. You all have the rights to be curious." "Still, I'm confused. I know there's something here in the mansion. The dark, big and thick curtains, people inside here are weird, especially you and Esmee.." she suddenly remembered Esmee words. It leaves her mind a lot of question that no one could answer. "And Darius Hale, he's dead. The villager knows he's gone but, what I heard earlier is..." nangapa siya ng salita na masabi ngunit napailing na lang siya. "He's not a man with a supernatural power to wake up from his own grave." "I told you, this mansion is full of mystery." Kanina pa tahimik si Meos. Iniisip kung tama ba ang pinasok niyang sitwasyon. Naiipit siya sa mga ka-misteryosohan na nangyayari sa loob na dapat ay hindi niya isipin dahil katulad nga ng sabi ng matandang babae, hindi siya parte sa mga ito. Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip.  Darius Hale.  Patay na siya. At aalamin niya lang naman kung inilibing ba ito ng maayos o hindi at tapos ang misyon na ipinunta niya sa mansyon. Napakurap siya.  Oo nga pala. Ang dare ang ipinunta niya, hindi ang matuklasan ang sekreto ng mansiyon.  Napalingon siya sa kurtina na sumasayaw. Kumunot ang kaniyang noo kapagkuwan ay nilapitan ito. Hinawi ng bahagya ang kurtina at sumilip sa labas at madilim pa rin ang paligid.  Napahinga siya ng malalim. Ngayon na nalilito ang utak niya sa kung ano ang paniniwalaan, buhay o patay na ba si Darius Hale, ay unti-unting umuusbong sa puso niya ang takot.  Takot para sa sarili.  Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw. Hindi niya alam kung magagawa ba niya ng matiwasay ang dare o kung makakalabas pa ba siya sa mansiyon ng walang takot na mararamdaman.  Muntikan na siyang mabuwal sa kinatatayuan nang may mahagip ang kaniyang mga mata.  Isang anino? No, hindi. Nasisigurado niyang hindi anino ang nakatayo sa lupain sa baba. Sa tulong ng buwan ay nabibigyan siya nito ng liwanag para tama lamang na makumpirma na hindi anino ang nakikita niya.  It was a built of a body. But, it's all dark. From her position, wala siyang liwanag na nakikita mula sa nakatayo.  Natutop niya ang bibig para pigilan ang malalakas at mabibigat niyang paghinga. Hindi siya maaring magkamali! Parehong-pareho ang nakita niya kanina sa labas ng silid ni Esmee.  No, Darius Hale is dead. Patay na ito!  Ngunit ano ba ang ebedensiya niya para mapatunayan na patay na talaga ito?  Kailangan niya masigurado para hindi tuluyang sumabog ang utak niya sa pag-iisip kung ano ang paniniwalaan. Lahat ng villagers sa Dark Village ay alam na patay na ang namumuno ng nayon nila. Lahat ay alam na patay na ito at isa na siya roon. Ngunit, paano nga kung buhay pa ito? Paano kung hindi totoo ang kumalat na balita na patay na ito? Paano kung plano ng pamilya nito na ipalabas na namayapa na si Darius Hale? Isinara niya ang kurtina at sumandal sa dingding. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.  "I can hear your heartbeat."  Natigilan siya nang makarinig ng boses. Isang malalim, malamig, at walang emosyon na tinig. Katulad sa narinig niya sa labas ng silid ni Esmee. Nanginginig ang labi na nag-angat siya ng tingin at doon ay nakita niya ang anino. Hindi, isang bulto ng tao na nagtatago sa dilim na bahagi ng kaniyang silid. Napatitig siya rito.  Ang bulto ng katawan niya... Kaparehong-kapareho ang bulto ng katawan nito sa nakita niya bago siya mawalan ng malay sa labas ng mansiyon. At hinding-hindi siya nagkakamali sa bagay na iyon.  Nanatili siyang nakatayo habang ang mga kamay ay nanlalamig sa takot at kaba.  Paano ito nakapunta sa silid niya ng ganoon?  Nakakapagtaka.  At ang sinabi nito ay mas lalong nakadagdag sa kalituhan niya. Paanong naririnig nito ang t***k ng puso niya? "I can sense your emotion from there, lady." Ang takot na nararamdaman ay mas lalong umusbong nang marinig ulit ang boses nito. Napakalamig na ni isang emosyon ay wala siyang maramdaman.  Mas nalilito siya ngayon. Hindi niya alam kung ang bulto na nagtatago sa madilim na parte ng silid niya ay si Darius Hale o pinaglalaruan lang siya ng kaniyang isipan.  "Why did you even step your foot here in my property?"  Nangapa siya ng isasagot ngunit hindi naman niya magawang ibuka ang bibig para magsalita. Ang naririnig niya lang ay ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib. Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito at hindi naman maaari na sabihin na kailangan niyang kunan ng litrato ang libingan nito.  Nakakabaliw. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano kabaliw ang dare na ipinapaggawa sa kaniya. Paano nga niya iyon makukuhanan ng litrato kung ang nakaburol doon ay nasa harapan niya? Tinatanong kung bakit siya nasa mansiyon nito.  Ngunit hindi naman siya ito.  Naniniwala siyang patay na ito. Kailangan niya lamang makahanap ng matibay na ebedensiya para patunayan ang kamatayan ni Darius Hale.  Ngunit paano? Sa paanong paraan? Saan siya makakahanap ng ebedensiya? "You are brave for a human like you," rinig niyang sambit nito. "No one dared to step their foot in my mansion. Only you, always. Only you." Napakunot ang noo niya.  Always?  Nasisiguro niyang isang beses pa lang siya nakapunta rito. Isang beses lang siya nakatuntong sa mansyon nito. Ni sa buong buhay niya ay ngayon lang niya itinapak ang paa rito. At kung tatanungin siya, ayaw niya na makapunta rito kahit gaano pa ito ka-misteryoso.  Ngayon na labis siyang nagtataka ay may nagu-udyok sa kaniya na tuklasin ang kung ano mang sekreto ang mayroon ang bahay na ito.  "Mind you," napalaki ang kaniyang mata nang may maramdamang malamig na hangin sa kaniyang batok. Ang boses nito ay naririnig niya malapit sa kaniyang tainga. Nanlambot ang kaniyang tuhod sa napagtanto.  Ang bilis ng kilos niya. "I will not let you escape from me, again. I'll make sure to keep you here in the dark, with me." Tuluyan na nga siyang napatumba kasabay ng paglaho ng boses. Nagising ang dalaga mula sa liwanag dala ng araw. Napamulat siya ng mata at unang tumama ang kaniyang paningin sa makapal na kurtina na ngayon ay malaking nakahawi. Napabalikwas siya ng bangon.  Tanghali na.  Ito ang unang beses na nasikatan siya ng araw mula nang mapapunta siya sa mansiyon. Sa bagay, ito ang pangalawang araw niya rito. Ngunit sino ang nagbukas nito? Gayong ang mga kasama niya ay mukhang hindi sanay sa maliwanag na paligid.  Hindi na siya nag-abala pang isipin ang bagay na iyon. Naligo siya at nag-ayos bago lumabas ng silid. Naabutan niyang sarado ang silid na nasa harapan niya at akmang lalapit at kakatukin niya ito nang may magsalita.  "Bumaba ka na. Nakahanda na ang pagkain." Napalingon siya rito. Ang mataray na babae. As usual, dark outfit pa rin ang suot nito with violet lipstick. "Si Esmee?" "Wala rito," sagot nito.  Tumango siya. Isang tanong, isang sagot. Okay.  Hindi na siya umimik at sumunod na lang dito. Tutal maganda ang gising niya, dapat buong hapon ay maganda rin ang timpla niya. Ayaw niyang masira ito ng kung sino man.  Nang makababa ay napatigil siya. Ang mga kurtina ay ganoon pa rin. Hindi pa rin nakahawi. Kung ganoon, ang nasa silid niya lang ang nasisikatan ng araw. Pero sino ba ang naghawi ng kurtina roon?  Napailing siya. Kung makaasta ang mga kasama niya ay parang mga bampira. Takot masikatan ng araw. Pagkatapos niyang kumain ay siya na rin naghugas ng pinag-kainan. Hindi niya kasalo ang babae na kumain at tanging siya lang ang tao sa dining. Ni hindi niya mahagilap sa loob ng mansiyon ang iba pang kasama. Ang doktor na si Adrian, ang isa pang lalaki na hindi niya alam ang pangalan, ang mataray na babae, pati na rin ang matanda ay hindi niya nakita.  Siguro busy ang mga iyon. Mag-isa siya. Pagkakataon na niya na makapunta sa likuran ng mansiyon. Ngunit ang problema niya ay hindi niya alam kung nasaan ang kaniyang selpon at kamera.  Sino ba ang nakatagpo sa kaniya noong gabing iyon? Sigurado siyang nakita nito ang bag na dala-dala niya. Kumuha siya ng tubig sa fridge. Pagkasara niya rito ay nagulat siya nang makita si Adrian sanhi ng pagbitiw niya sa baso na kaagad namang naglikha ng ingay.  Tuliro siyang paulit-ulit na yumuko. "Sorry," paumanhin niya at yumuko para simutin ang nabasag.  "Pabayaan mo na iyan." Ngunit hindi siya nakinig sa sinabi nito. Pinagpatuloy niya ang pagligpit at sa kasamaang palad ay nasugatan pa siya nito sa huntuturo.  Nabitawan niya ang mga bubog at diniian ang sugat para kumawala lalo ang dugo na pumatak sa sahig.  "Sabi sa 'yo na pabayaan mo na lang!"  Nagulat siya nang bigla siyang itinayo ng doktor at walang pasubali na pinunit nito ang dulo ng damit at ipinalibot sa daliri niya na labis ang pagdudugo.  "Damn it! Patay ang lahat nito," bulong nito.  Binawi niya ang kamay at inilagay sa likuran.  "Pasensiya na. Hindi ko sinasadya na makabasag. Nagulat lang ako na bigla kang sumulpot." Napasabunot ang huli. "Wala akong pakialam kung ilang beses ka pang makabasag ng gamit dito. Ang ikinababahala ko ay ang dugo mo," nakita niyang lumunok ito. "Siguradong may magigising ng tuluyan." "Ano ang ibig mong sabihin?" "Ang sinasabi ko ay pinairal mo ang pagiging tanga mo, Meos! Sinabi ng pabayaan ngunit ang tigas ng ulo mo! At sinabi ni Lala, 'di ba? Na huwag kang magkalat ng dugo." "May naaamoy akong dugo!" Napatigil silang dalawa at sabay na napatingin sa nagsalita. Ang mataray na babae kasama ang lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya alam ang pangalan.  Sa likod ng mga ito ay ang matandang babae na walang bakas na emosyon na nakatitig sa kaniya.  "I ought to keep you safe while you're in our territory, but seems like you want to put yourself into danger," saad nito at tumingin sa doktor. "Pick Esmee. Make sure to keep her safe and take her away from here. To the safest place." Tinapunan siya nito ng tingin bago umalis. Tahimik na sumunod ang tatlo at siya na lang ang natira sa kusina.  Ano ba ang napasok niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD