Kabanata 7 Blood "I can still smell her blood," ani ng matanda habang nasa opisina, kaharap ang lalaking hindi kilala ni Meos, si Luc pati ang mataray na babae na si Sophia. "Alam nating lahat ang mangyayari kapag napadpad siya rito sa mansiyon. Hindi lamang isang ordinaryong bampira ang tuluyang magigising mula sa mahimbing na pagkatulog." "Pero hindi ba, dapat na maging masaya tayo dahil gigising muli ang namamahala sa ating lahi?" Napailing ang matanda. "Hindi mo naiintindihan, Sophia. Kapag nagising siya, hindi lamang tayo ang mapapalapit sa kapahamakan. Pati na rin si Meos. Nangako siya. Nangako siya na kung sino man ang bubuhay sa kaniya ay hindi niya na ito papakawalan pa." "Mas mabuti iyon, Lala. Hindi ba ito ang hinihintay natin? Ang magising siya muli at mahanap ang taong na

