CHAPTER 8

1155 Words
Nakaalis na si Ralph. Pagkatapos magligpit at maglinis ni Synj ay nagpunta na siya sa silid niya at naligo. Pagkatapos maligo at nang makapagbihis ay humiga na ito sa kama. Inilagay niya ang braso sa noo habang nakatitig sa kisame. 'Hindi siya si Gaia. Kita ko kung paano mo siya titigan kanina. Hindi para sa kaniya iyon.' nagrereplay sa utak niya ang sinabing iyon ni Ralph. "Gaia! I did a stupid thing. I should have just left your memory at peace. I'm sorry love." tumulo na ang luha sa mata niya at ipinikit na ang mga mata. Ramdam ni Synj na may humaplos sa pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay na humahaplos sa kaniya. Hindi niya pa minumulat ang mga mata. Ninamnam lang ang masaya niyang panaginip na kasama ang namayapang asawa. "Synj thank you!" masuyong sabi ni Gaia sa binata habang tinititigan ito. Biglang nagulat si Synj at nagmulat ng mga mata. "W-what are you doing here?" nauutal niyang tanong sa dalagang nakatitig sa kaniya. Ngumiti ang dalaga sabay may hawak na kutsilyong iginiya sa leeg niya. "Kala mo ba maloloko mo ako. Kala mo stupida ako na pwede mong paglaruan." punong puno ng galit sa mga mata nito at gigil ang boses. Pumipiglas si Synj ngunit di niya maintindihan bakit ang lakas ng dalaga habang nakagiya pa din sa kaniya ang kutsilyo. "Sorry Gaia. Stop it!" Itinaas na ng dalaga ang kutsilyo para saksakin siya. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa paparating na kutsilyo. "NOOOO!" Nagising si Gaia nang marinig ang sigaw ng binata at mabilis na tumakbo patungo sa kwarto nito. Nang mabuksan ang kwarto ng binata ay kita niya na nagpupumiglas ito sa kama. Nilapitan niya ito at malakas na sinampal. Biglang nagmulat ng mata ang binata. "What the!" gulat nitong sabi. Umupo siya sa gilid ng kama at sinapo ang pisnging nasampal ng dalaga. Nilingon niya ang nakatayong dalaga sa gilid ng kama. Nagpeace sign na agad ang dalaga nang makitang nakatingin na sa kaniya ang binata. "Ano ba napanaginipan mo?" bungad niya dito. "Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." paghingi niya ng paumanhin dito habang hinihimas ang pisnging nasampal ni Gaia. Umiling lang ang dalaga at tumabi sa kaniya ng upo sa kama. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya. Matagal sila sa  ganung posisyon. Tumikhim si Synj na bumasag sa katahimikan. "Balik ka na sa kwarto mo at matulog ka na." masuyo niyang utos sa dalaga. Nag-angat ng ulo ang dalaga mula sa pagkakahilig sa balikat niya. Tumayo ito at lumuhod sa harapan niya. "Samahan kita gusto mo? Mag-asawa tayo di ba kaya dapat magkatabi tayo sa kama." may lambing sa boses ng dalaga at hinaplos ang mukha ni Synj. Napatitig si Synj sa magandang mukha ng dalaga na alam niyang kahibangan ang magpanggap na ito nga ang asawa. "No you can't stay. Ang usapan pag nakaalala ka na tiyaka lang tayo magtatabi." masuyo niyang sinabi sa dalaga na hinawakan niya na din ang kamay nitong humahaplos sa mukha niya. 'You're not my Gaia! I don't have the rights to do anything to you. You are just a teenager who happens to have my wife's face. I'm sorry.' tanging sa isip niya lang kaya itong sabihin at hindi mismo sa dalaga. Ngumiti ang dalaga bago magsalita. "Hindi naman kita pagsasamantalahan." natatawa nitong sambit. Natigilan si Synj sa sinabi ng dalaga. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa salitang binitawan ng dalaga. 'Hindi naman kita pagsasamantalahan.' parang siya dapat ang magsabi nun. "Ihahatid na kita sa kwarto mo." maawtoridad niyang sabi sabay tayo mula sa pagkakaupo. Tumayo na din ang dalaga at hinawakan ang kamay niya. Ngunit bigla nalang siya nito binalibag sa malambot na kama niya. Mababakas ang pagkabigla sa mukha ng binata. Mabilis siyang tinabihan ng dalaga at iniyakap ang braso niya dito. "Ayan! Di ba mas okay?" makulit na sabi ni Gaia. Hindi siya nakaimik dahil sa gulat. Iniisip niya bakit napakalakas ng dalaga at mabilis ang kilos. Hindi siya sanay sa ganung kilos ng babae. Kasi napakahinhin ng asawa niya. Malayong malayo nga sa dalagang katabi niya ngayon. "Synj okay ka lang?" tanong ng dalaga habang yakap pa din nito ang mga brasong iniyakap sa kaniya. "Y-you need to go to your room." mahinang sabi ni Synj. Walang imik imik. Inalis ni Gaia ang mga braso ng binata at mabilis siyang kumubabaw dito. Humarap siya sa mukha ng binata na may pagtataka sa mga mata. Ramdam ni Synj ang tension habang nakakubabaw sa kanya ang dalaga. Lalaki siya kaya natural lang na makaramdam siya ng init sa pagkakadikit ng katawan nilang dalawa. Malapit ang mukha ng dalaga sa mukha niya. Ramdam niya ang init ng hininga nito na dumadampi sa balat niya. Gusto niyang itulak paalis ang dalaga kasi ramdam niya na din ang pag-igting ng p*********i niya mula sa pajama niya. 'Hindi pwede ito. Kalma Synj. Kalma. Hindi ka dapat magpadala sa pagtaas ng libido mo.' pagpapakalma niya sa sarili sa isipan niya. "Ayaw mo ba sa akin? Di mo na ba ako mahal?" magkasunod na tanong niya sa binata na nakatitig lang sa kaniya na hindi pa din nawawala ang pagkagulat sa bawat kilos niya. Unti unting humupa ang gulat sa mga mata ni Synj. "It's not that I don't like or love you. Hindi lang kasi fair para sa iyo kung di ko mapigilan ang sarili ko." mahina niyang sabi. Parang naintindihan ng dalaga ang nais niyang ipaintindi. Umalis sa pagkakakubabaw sa kaniya si Gaia at muling tumabi sa kaniya. Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng noo at nakatuon ang mga mata sa kisame. "Alam mo ba. Pakiramdam ko nakalaya ako. I have this feeling na matagal akong nakakulong. I have vivid dreams that I was trapped." kwento ni Gaia habang nakahiga pa din. "In my dreams I kill people and I like what I'm doing." she paused. "I have friends who backs me up, but still I am not free." may lungkot sa boses niya habang nagpapatuloy magkwento. "Siguro killer ako nung nakaraang buhay ko." natawa ng bahagya si Gaia sa sinabi. Nanlamig si Synj sa kwento ng dalaga. Bawat salita alam niyang hindi iyon ang buhay na nakaraan niya kundi yun ang buhay niya bago mawala ang memorya niya. Naguguluhan ang binata kasi sigurado siyang ang parte ng utak ng dalaga na yun ay nasira na. "Synj?" tawag ng dalaga ng hindi man lang siya nito narinig na nagsalita. "Hmmm?" tanging sagot na ibinigay niya sa dalaga. Tumayo ang dalaga at seryosong tumingin sa kaniya. "Babalik na ako sa kwarto ko. Matulog ka na." pagkasabi nun ay lumabas na ito sa silid niya. Ang tingin na yun! Iba yun! Alam ni Synj hindi yun ang usual na tingin na iginagawad sa kaniya ng dalaga. May kakaiba sa huling seryosong tingin na yun. 'Naoffend ba siya? Nainsulto? May alam na ba siya? Bumabalik na ba ang ala ala niya?' Mga katanungang hindi niya din alam ang kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD