bc

Dangerously Yours!

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
killer
kickass heroine
brave
bxg
female lead
small town
like
intro-logo
Blurb

No Idea of who she was.

No Face but was allowed to borrow someone's face.

Living a life of another.

Learning to live in place of another.

Discovering what her life and what kind of person she is.

What is waiting for her?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
'Nasaan ako? Bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?' Mga katanungang nasa isip ng isang babaeng nakaratay sa isang kama na puno ng mga aparato na nakakabit sa katawan niya. "Doc!" naririnig niyang sigaw ng isang babae na parang humahangos na lumabas sa silid at narinig niya din ang pagbukas at sara ng pinto. Maya maya pa ay pumasok na ito at may kasama na at lumapit sa kaniya. "Trina call Doctor Cuevas." utos ng isang baritonong boses ng lalaki na lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Unti unti niyang iminulat ang mga mata upang makita ang taong nag aasikaso sa kaniya. Hindi niya pa agad naaninag ang mukha ng lalaki nang imulat niya ang mga mata. Unti unting lumilinaw ang mukha ng isang binata na nakasuot ng puting doctor's robe na may nakasabit na stethoscope sa may leeg nito. Nakita niya itong sinusuri ang monitor na nakakabit sa kaniyang aparato. "Nasaan ako?" mahina niyang tanong dito. Ramdam niya pa ang panunuyo ng kaniyang lalamunan kaya di pa siya makapagsalita ng maayos. Napatingin sa kaniya ang isang maamong mukha ng lalaki na puno ng pag asa ang mga mata. "Nasa hospital ka." masuyo nitong sagot. "Bakit ako nandito? Sino ka?" paos pa ang boses na nagsasalita. "You have been in a coma for a month now." ngumiti muna ito bago nagpakilala. "Doctor Synjyd Guevarra." "Ahmm. Do you have any idea doc of who am I?" dagdag niya pang tanong. Bumuntong hininga muna ang doctor at masuyo siyang tinignan bago ito sumagot."You're my wife." nakatitig sa kaniya ang mata ng doctor ng sinabi iyon. "Y-you're wife?" tanong niyang may pagtataka sa mga mata niya. "Yes!" hinaplos ng doctor ang pisngi niya ngunit iniiwas niya itong bigla kaya binawi agad ng doctor ang mga kamay na dapat hahaplos sa pisngi nito. Umupo na si Doc Synj sa upuan na nasa tabi ng kama niya. "Don't be afraid Gaia. I'll take care of you just like before." Magtatanong pa sana muli siya ngunit may pumasok na naman sa silid at tinignan niya iyon. Dumating na si Trina kasama si Doctor Cuevas. "Doc Synj!" tawag sa asawa niya. "How is she?" tanong agad ni Doc Cuevas. "She has no idea who she is." sagot nito at hinawakan ang balikat ng kaibigang doctor at iginiya palabas ng silid. Naiwan sa loob si Trina at nilapitan nito si Gaia. "Mam you will be fine!" nakangiti nitong sabi sa ginang habang inaayos ang kumot na nakabalot sa kaniya. Nginitian niya lang ito. "Nauuhaw ako!" paos pa din ang boses at ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan. "Ow! Kuhanan ko po kayo ng tubig." nagmamadaling kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig ng nurse at naghanap ng straw. Lumapit muli ito sa kaniya at inilagay ang straw sa bibig niya. Hindi pa siya makatayo o makaupo kasi wala pang sinasabi ang doctor kung maari na siyang tumayo. Nang makainom ay inilayo niya na ang straw mula sa bibig at inayos ang pwesto ng ulo. "Okay na po ba?" tanong ni Trina. Tumango siya at ngumiti ulit. "Salamat!" *** Nang makalabas at maisara ang pinto ng silid agad na humarap si Synj kay Doc Cuevas. "Wala siyang maalala Ralph." bungad niya rito. "Ikaw na nga nagsabi na masama ang pagkakabagok niya. You are the neurosurgeon." sabi ni Ralph. "Yes I know that. Sa tantsa ko dapat di pa siya gising sa coma niya sa pagkakabagok na iyon but to my surprise she's awake." may pagtataka sa mga mata niya habang nagpapaliwanag sa kaibigan. "Well, she has a very strong body to be awake after that accident." there's an amazement in his voice. "Yeah. Her brain activity is also steady. That is why I never expected this to happen." napamasahe siya sa sintido at iniisip ang paggising ng maaga sa coma ni Gaia. "Sa tingin ko naman it is a good thing that she is out of her coma. Ngayon malalaman na natin ang nangyari sa kaniya once she recalled everything." ani Ralph. "I don't intend for her to remember her past." may diin sa sinabi niyang iyon. "No!" kita ang kunot sa noo ng kaibigan at umiling. "Are you going to keep her?" tanong ni Ralph na nakatitig na ito kay Synj. "She came along after my Gaia died and I think that she is the replacement for her." may lungkot sa matang nakatingin sa kaibigan. "Hell no! She is not a replacement for Gaia. She is her own person." inis na sabi ni Ralph. "She can't remember a thing and I am sure that her memory lost is not temporary. There is a clot on that part of her brain." paggiit nito sa kaibigan. "Her face is burnt and I will ask Doctor Rivera to copy my wife's face as her new face." determinado pa din ang boses na sinabi iyon ni Synj. "Man! I am telling you this is a big mistake. You can't do that to that poor lady." pag aalangan nitong sabi na umiiling iling pa. "Bestfriend kita Ralph. Please support me on this." with pleading eyes and sadness in his voice as he ask for support from his friend. Hindi na umimik si Ralph at tinignan na lang siya at tinapik ang balikat na tumango ng pag sang-ayon sa kahibangan ng kaibigan. Hindi man sang-ayon si Ralph ay hinayaan na lang niya ang plano ng matalik na kaibigan. "Thank you man. I know you'll support me!" pagpapasalamat niya at bumaling na sila para pumasok sa loob ulit ng silid. Nang makapasok na nilapitan nila si Gaia na nakatingin sa kisame ngunit ng maramdaman sila ay agad itong lumingon sa kinaroroonan nila. Ngumiti ang dalawang doctor ng makita ang mga mata niya na nakatingin sa kanila. "Gaia?" sabi ni Synj. Nakita ni Synj ang pagtataka sa mata ni Trina at hinawakan agad ni Ralph ang balikat ng nurse. "Yan ba ang pangalan ko?" mahinang sabi ni Gaia. Ngumiti si Synj sa kaniya. "Yes! That is your name. Gaia Fern Guevarra." "Synj I have to go." paalam ni Ralph na hindi man lang nilingon si Gaia. Inaya niya na din si Trina. "Paalam po doc Synj at mam Gaia." masaya ang boses na paalam ni Trina at may pagkaway pa. Umupo si Synj sa upuan na nasa tabi ng kama ni Gaia. Tumikhim muna siya bago ito kausapin na nakatingin pa din sa kaniya. "Gaia." panimula niya. "You have lost your memory when you had an accident." he paused and stared at her. "Let me help you fill the void. Let's start anew." dagdag pa nito at hinawakan na ang kamay niya. Hinayaan niya ang paghawak nito sa kamay niya. Bumalik ang mga mata niya sa pagtingin sa kisame. "Paano ako naaksidente?" tanong niya na may lungkot sa boses. "Yung kotse na minamaneho mo nabangga at nawalan ka ng malay bago ka pa makuha sa loob sumabog na iyon." pagkekwento niya. Dahan dahang tinanggal ni Gaia ang kamay sa pagkakahawak ng doctor at inabot ang mukha. Nang mahaplos ang mukha ramdam niya na hindi makinis ang mukha. Kumunot ang noo ni Gaia. "Maaari mo ba akong bigyan ng salamin?" utos niya kay Synj. "You don't need to see your face this time. We'll fix that pag malakas ka na." masuyo nitong sabi sa kaniya. "Maaari mo ba akong bigyan ng salamin?" may inis na sa boses na inulit ang utos. Tumayo si Synj at naghanap ng salamin. Nang makahanap ay agad itong lumapit sa asawa. "Here!" inabot sa kaniya ang salamin. Nang mahawakan ang iniabot na salamin ay itinapat ito sa mukha. Nanlaki ang mga mata niya sa nakitang itsura ng mukha. "No!" mahina niyang sambit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
496.9K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.4K
bc

My Master and I

read
136.3K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook