CHAPTER 2

1221 Words
"Kelan ako ooperahan?" matigas ang boses na tanong niya kay Synj. Huminga ng malalim si Synj bago siya sagutin. "Pag may go signal na mula kay Ralph." he paused and held her hand. "Kakagising mo lang mula sa coma kaya you need to recover first." "Doctor ka din di ba?!" may iritasyon sa boses nito sabay kuha sa kamay niya na hawak ni Synj. "Ikaw ang magpasya! Asawa mo ako kaya alam mo din ang kalagayan ko." "Gaia si Ralph pa din ang magpapasya kasi siya ang attending physician mo. Neurosurgeon mo lang ako. If you ask me about you brain I can say that you still need to rest and recover. As your husband I really wanted you to go home and have your facial surgery." mahinahon pa din ang boses nito kahit pa tinatarayan niya na. Hindi muna umimik si Gaia at nakatingin sa kisame ng silid. 'He tells me that he is my husband. Why I feel that there is no connection between us?' tumatakbong katanungan sa isip ni Gaia. "Isang linggo na walang nakakabit sa aking aparato. Hindi pa din ba ako makakaalis dito sa hospital?" putol niya sa katahimikan. "Gusto lang namin makasiguro na di ka magsiseizure at talagang malakas na ang katawan mo." sagot nito na puno ng pagpapasensya. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama at tinignan ang asawa. "Malakas na ako. Ikaw na din nagsabi sa akin na paanong nakabangon ako agad kahit di pa ako nagpapaphysical therapy para maigalaw ko ang buong katawan ko. I have managed to move even without any help." may diin niyang sabi at tumayo at lumapit sa bintana ng silid niya. Tumayo si Synj at sinundan siya. Niyakap siya nito mula sa likudan na siya niya namang iniwasan. Hinayaan ni Synj ang paglayo sa kaniya ni Gaia. Wala na siyang nagawa kundi tignan nalang ito. "Di ba napag-usapan na natin na hangga't wala akong naaalala hindi mo ako maaring hawakan na tulad ng sinasabi mong ginagawa natin dati. Sa totoo lang di ko maramdaman na may koneksiyon tayo sa isa't isa." puno ng iritasyon ang boses niya na nakatingin pa din sa labas ng bintana. Napayuko si Synj. Alam niya sa sarili niya na totoo ang sinasabi ng dalaga na wala silang koneksiyon sa isa't isa ngunit sa kagustuhang buhayin muli ang katauhan ng yumaong asawa ay nagawa niyang magpanggap at mangarap. *** Last 3 days ago. "Itutuloy mo pa din ba ang kalokohan mo Synj? Baka makaalala yan. Mukhang kakaiba ang personality niya. Imaginin mo one month na nacoma pero nakabangon agad after a day na nagising." nakatitig si Ralph sa kaniya na sinesermonan siya. "Nasimulan ko na. Gagawin ko ang lahat na magustuhan niya ako at mahalin." malungkot nitong sabi ngunit may pag asa sa mga salitang lumabas mula sa bibig. "Matapang siya malayo sa ugali ni Gaia. Sa tingin mo ba hindi mahahalata ng mga tao sa paligid?" giit pa din ni Ralph. "Ilalayo ko siya dito. Sa ibang lugar kami mamumuhay." tumingin siya sa malayo parang may pilit na tinatanaw. "You can't do that man! Alam niya dito kayo nakatira. Yun lang ang totoo mong sinabi na taga dito ka." medyo iritable na ito sa kaibigan. "Nais ko lang makasama si Gaia. Makasarili man pero yun lang ang tanging paraan para mawala ang pagkasabik kong makasama ang asawa ko." malungkot na ang boses na nagpapaliwanag sa kaibigan. Lumapit si Ralph sa kaniya at iniabot ang bote ng beer. "Hindi siya si Gaia!" pilit pa din niyang pangungumbinsi dito. Ngunit ng nakita niya ang kalungkutan sa mga mga mata nito ng humarap ito sa kaniya ay nagkibit balikat nalang siya. "Bahala ka na. Kung sa tingin mo na yan ang makakapagpaligaya sa iyo. Payo ko lang sa iyo. Kita ko sa mata niya na mapanganib ang babaeng yun. Hindi ko nakikita ang emosyon sa mga mata niya." nag aalalang sambit nito na nababahala sa desisyon ng kaibigan. "Alam ko ang ginagawa ko. Tatanggapin ko ang kahihinatnan kung makaalala siya." may lungkot pa din sa boses na sumagot sa kaibigan. "Mamahalin niya din ako." mahina nang sabi ni Synj. *** "Tawagan mo si Doc Ralph!" matapang na utos ni Gaia kay Synj. "Kung hindi ako irerelease ngayon sinasabi ko sa iyo aalis ako at hindi na muli magpapakita sa iyo." puno ng pagbabanta ang salita ni Gaia na masama ang tingin kay Synj. Napatitig sa kaniya si Synj at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Ramdam niyang hindi lang nananakot ito kasi may determinasyon ang boses ni Gaia sa mga salitang umalpas mula sa bibig ng dalaga. Idinial niya ang numero ng kaibigan at nang masagot nito ang tawag. "Ralph. Gusto na ni Gaia umuwi. Pakirequest na ng release niya. Ako na ang bahala sa kaniya sa bahay." mahinahon nitong pakiusap sa kaibigan. "Intayin nyo ako papunta na ako diyan para lang icheck ulit si Gaia." sagot ni Ralph mula sa kabilang linya Nang matapos ang tawag ay ibinalik niya ang cellphone sa bulsa. Lumapit ito kay Gaia. "Intayin nalang natin si Ralph. Papunta na siya dito." mahinahon niyang sabi. Nais niyang hawakan ang dalaga upang suyuin ito. Ngunit bago niya pa mailapit ang kamay sa balikat at bumaling na ito sa kaniya. Matalim ang tingin sa kaniya nito na siya namang ikinabahala niya. "Don't you dare! I hated to be touched." matapang ang salitang lumabas mula sa bibig nito bago bumalik sa higaan at humiga tsaka pinikit ang mga mata. 'Am I really doing this thing? She's callous while Gaia is a sweet lady. Can I really make her like Gaia. I hope I can. Help me conquer this lady. Gaia I missed you so much!' naiisip ni Synj. Bumalik lang siya mula sa pag iisip ng pumasok si Ralph sa silid na inuukupa ni Gaia.  "Synj!" bati nito sa kaniya bago nilapitan ang dalaga. "So Gaia. Kaya mo na ba talaga?" mahinahong tanong ni Ralph nang lapitan si Gaia na nakahiga pa din sa kama. Nagmulat ng mga mata ang dalaga at mabilis na tumayo. "What do you think?" may pagmamalaki sa boses na sagot nito kay Ralph. Tinignan ni Ralph si Synj at ngumiti ito. Bumaling si Ralph kay Gaia. "Okay then! Your husband will be the one to take care of you since he's one of the best doctor in the country. I'll tell the nurses to ready your release." matapos magsalita ay lumabas na ito sa silid. "Happy?" nakangiting tanong ni Synj kay Gaia habang nakatitig sa dalaga. Nagkibit balikat lang ang dalaga at mabilis na inayos ang sarili at ang mga gamit nito. May kumatok sa pinto ng silid at pumasok ito. "Doc Synj pakisettle nalang po ang bill sa baba at pwede na po kayo umuwi after." nakangiting sabi ng nurse kay Synj at may inabot na papel. Nang makuha niya ang papel ay lumabas na siya upang magbayad. "Mam Gaia!" bati nito sa dalaga Nilingon ito ni Gaia at nginitian. "Uuwi na po kayo sa wakas. Ingat po kayo." pagtapos sabihin iyon ay kumaway ito at lumabas na ng pintuan. Nais na sana ni Gaia takasan si Synj ngunit naisip niya wala naman siyang maalala kung saan siya pwede magpunta at kung saan siya kukuha ng pera. Naisip niya din na baka matakot ang mga tao pag nakita ang sunog niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD