Nang makarating sa bahay ay agad na inilibot ni Gaia ang mata sa paligid. Kita agad ang napakagandang bahay na napapaligiran ng halaman na nakakapit sa dingding ng labas ng bahay.
May mga magagandang bulaklak na nasa malawak na hardin sa harap ng bakuran. May isang gazebo at may fish pond. Naninirahan sila sa Tagaytay at maganda ang pwesto ng bahay nila.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay nakita agad ni Gaia ang papuntang terasa ng bahay at yun ang agad niyang tinungo. Nang makalabas sa terasa ay natuwa siya sa nakitang napakagandang tanawin.
"Enjoying the view?" tanong ni Synj ng sundan siya nito sa terasa.
Humarap siya sa binata na nakangiti. Ayaw niya man makita siya nitong nakangiti ngunit hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.
Tumango siya at masayang sumagot. "Yes! I really love the view." buong sigla niyang pagkasabi ay agad muli itong tumalikod at naupo sa may upuan na nasa terasa at nagpatuloy sa pagtanaw sa kapaligiran.
Napangiti at nakaramdam ng kaginhawahan si Synj ng nakita ang saya sa mukha ng dalaga. Kahit sunog ang mukha nito kita ang pagnining ng mga mata nito. Iba ang naihatid na kaligayahan sa kaniya ang kasiyahang nakita sa dalaga. Simula ng magising ito ngayon lang siya nito nginitian at hindi sinungitan.
Pumasok muli si Synj upang ipaayos ang silid na titigilan ng dalaga sa kanilang tahanan.
Habang nakamasid si Gaia sa magandang tanawin ng Taal lake na nasa gitna nito ang Taal volcano ay narinig niya ang tahol ng aso na papalapit sa lugar niya. Agad siyang tumayo at sayang saya sa papalapit na border collie na aso.
Agad siyang nilapitan ng aso at siya niya naman itong niyakap. Diniladilaan ng aso ang mukha niya na siya namang kinatawa niya.
"Hello cutie pie." pagkausap niya sa aso habang yakap pa din ito. Parang sanggol ang aso sa pagkausap niya dito. Pinipisil pisil at hinahalik halikan niya pa ang aso.
Lumapit sa may pinto palabas sa terasa si Synj at masayang nakatingin sa dalaga na masaya sa pakikipag usap sa aso.
"She's Shady!" imik niya mula sa likod.
Napaharap sa kaniya ang dalaga na nakangiti sabay baling sa aso. "Shady baby! Did you miss mommy?" paglalambing ni Gaia sa aso.
Medyo natigilan si Synj nang narinig ang mga sinabi ni Gaia sa aso. Parang ganun din lambingin ng namayapang asawa ang alagang aso. Maya maya pa ay di niya namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata.
"Hey!" tawag pansin sa kaniya ni Gaia. "Bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Synj.
"That is how you always talk to Shady." nakangiti niyang sabi at pinunasan ang luhang nalaglag sa pisngi. Hindi niya na naisip na ibang tao ang kausap at hindi ang totoong Gaia.
Ngumiti lamang si Gaia at tumayo na at lumapit sa kaniya.
"Gutom na ako." sabi nito na di pa din napapawi ang ngiti sa mga labi.
"Tara na sa kusina." aya naman ni Synj at nanguna na para sundan ng dalaga.
"Come Shady!" masiglang tawag ni Gaia sa aso na sya namang sumunod agad sa kaniya.
Nang makarating sa kusina agad naman tinungo ni Gaia ang upuan na nasa harap ng kitchen counter. Si Synj naman ay naghugas ng kamay.
"Anong gusto mong kainin?" nakangiti niyang tanong sa dalaga na nakaprente na ng upo sa mataas na upuan sa may kitchen counter.
Lumingon ang dalaga na masaya pa din ang mga mata. "Hmmmm!" nakalagay ang mga daliri sa may baba na umaaktong nag-iisip.
Hindi maiwasan ni Synj na pakatitigan ang dalaga na parang bata na nag-iisip pa din. Kahit pa sunog ang mukha ay kita pa din ang ganda ng mga mata nito lalo na ngayon na masaya ito na nakangiti ang mga labi na pati sa mata kita ang kasiyahan nito.
Binaba na ni Gaia ang kamay sa mesa. "Spaghetti po!" sambit ng masaya niyang boses.
"Okay then. Watch me cook." inihanda na niya ang mga ingredients ng ilulutong spaghetti.
Nang matuon ang mata ng dalaga sa kutsilyo ay para itong may magnet na napatayo siya at inabot ito sa kinapapatungan at pinaglaruan ito na parang eksperto sa paghawak ng kutsilyo.
Natigilan si Synj habang pinapanood ang paglalaro nito sa kutsilyo.
Pinatayo ng dalaga ang dulong talim ng kutsilyo sa dulo ng hintuturo at eksperto itong inihagis sa mansanas na nasa may lababo. Nahati ang mansanas sa gitna ng matamaan ito.
Nakangiting bumaling si Gaia kay Synj at tumalim ang tingin sa doctor. "Malaman ko lang na niloloko mo ako sa iyo ko tatarak ang kutsilyong yan." sabay ngiti ulit at tumayo para kumuha ng tubig sa refrigerator.
Natigilan si Synj sa sinabi ng dalaga at kita ang takot sa mga mata niya at pinagpawisan ito ng malamig. "W-what do you mean?" may nginig sa boses nito na nagtanong.
Palapit ang dalaga kay Synj at kumuha ito ng baso malapit sa kinapepwestuhan nito. "Di ba asawa kita. Hindi porket di ako makaalala maghahanap ka ng iba." mahinahon nitong sabi.
Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Synj sa rason na ibinigay sa kaniya ni Gaia.
'Shoot! Kala ko nakaalala na siya!' takot pa din ang lumulukob sa isipan niya.
"Mahal kita kaya di ko gagawin sa iyo iyon. Hihintayin kong mahalin mo ako at gagawin kong lahat para mangyari yun." sabi niya nalang upang makampante ang dalaga.
"Good!" maikling sagot nito sa asawa.
Nagluto na agad si Synj para makakain na silang dalawa. Makalipas lang ng ilang oras ay naluto na ang spaghetti.
"Ready na!" masaya niyang pahayag.
Natuwa si Gaia at agad na kumuha ng mga pinggan at kubyertos sa mga drawer sa kusina.
Nagtatakang tumingin ang doctor sa dalaga. Tila kabisado nito ang mga lalagyan ng mga gamit sa kusina. "Buti tanda mo kung saan nakalagay ang mga gamit dito sa kusina."
Tumikhim muna si Gaia. "Instinct? Baka at the back of my mind I remember this place."
"Ow! okay." alam niya sa sarili na imposible ang binigay na rason nito kasi hindi naman talaga siya ang asawa niya.
Nang inabot ni Gaia ang mga pinggan ay nilagyan iyon agad ni Synj ng spaghetti. Nang matanggap ng dalaga ang pagkain ay masaya itong naupo sa kaninang pwesto.
"Ayaw mo ba sa dining table natin?" agad na tanong ng doctor nang binaling ang tingin sa dalaga.
Umiling na lang ang dalaga kasi sumubo na ito ng spaghetti. Natawa si Synj sa itsura nito kasi halos punuin nito ang bibig sa sunod sunod na subo ng spaghetti sa bibig.
Umupo si Synj sa tabi ni Gaia at kumain na din. Ipinagsalin niya ng tubig ang dalaga sa baso nito para iinom nalang ito pag naubos ang laman ng bibig.
Tahimik silang kumain habang inaabutan ni Gaia si Shady ng paisa isang hibla ng spaghetti noodles.
Nilingon ni Synj si Gaia at pinakatitigan ito na masaya sa pagkain na parang sarap na sarap sa kinakain.
Lumingon si Gaia sa gawi ni Synj. "Bakit ka nakangiti diyan?" tanong ni Gaia na parang di na makita ang kasungitan nito. Parang bata itong itinabingi pa ang ulo na nakangiti.
"Wala natutuwa lang ako sa iyo kasi parang ang sarap sarap ng niluto ko at masaya ka sa kinakain mo." sambit ni Synj na nakatitig pa din sa dalaga.
Nakaramdam ng ng ilang si Synj ng hindi inalis ni Gaia ang titig nito sa mga mata niya kaya siya na ang unang nagbawi ng tingin at sumubo na muli ng spaghetti. Kita niya ang saya sa dalaga ngunit kita pa din ang blangkong expression sa mga mata nito. Hindi lang maintindihan ni Synj kung anong totoong emosyon ang nasa mata ng dalaga.
"Synj nahihiya ka ba sa akin?" kuryusong tanong ni Gaia na hindi pa din inaalis ang titig kay Synj.
"H-Ha?" binalingan muli ang dalaga sa tanong nito. May ilang na siya talagang naramdaman dahil sa titig ng dalaga sa kaniya.
"Sabi ko nahihiya ka ba sa akin?" ulit pa nito.
"N-no! Bakit mo naman naisip yan?" utal niya pang sagot.
Natawa si Gaia sa itsura ni Synj na parang namumutla. "Kasi parang nahihiya ka at ngayon naman namumutla ka. Di naman ako nangangain ng tao." pang-aasar ni Gaia.
Bahagyang nasamid si Synj sa sinabi ng dalaga at inabot niya ang baso ng tubig niya mula sa counter.
Tumayo si Gaia at tinap ang likod ni Synj. Imbes na nakatulong ang pagtap niya ay nasubsob si Synj sa counter sa lakas ng pagtap niya sa likod.
"Sorry Synj." natatawang hingi ng paumanhin ni Gaia.
"Ang lakas mo naman masyado." tanging nasabi ni Synj.
'Shoot how can she be that strong? Parang di babae ang hampas niya sa likod ko.' tumatakbo sa isip ni Synj.
"Yes! Ramdam ko talagang malakas ako kaya next time icocontrol ko na ang bawat kilos ko. O baka naman sadyang mahina lang ang katawan mo." inosenteng sagot ni Gaia. Itinaas pa niya ang kamay at pinatunog ang mga daliri.
Nagulat si Synj sa ginawa ni Gaia na napatunog nito ang mga daliri na hindi man lang ginamit ang isa pang kamay.
"Antok na ako!" Sabi ni Gaia sabay hikab.
"Okay tapusin ko nalang dito tapos samahan na kita sa kwarto mong titigilan." sabi ni Synj ng tumayo at iniligpit na ang kinainan nila.
"Tulungan na kita para mas mapabilis na tayo." sabi ni Gaia at gumiya na siya palapit kay Synj na nasa lababo na at naghuhugas na ng pinagkainan nila. Kinuha na ni Gaia ang basahan para mapunasan na ang pinagkainan nila.