CHAPTER 4

1209 Words
Nang makatapos ng pagkain ay bumalik si Gaia sa may terasa kasama si Shady. Naghugas muna ng mga ginamit nila si Synj. Nagpresinta si Gaia na siya na ang maghuhugas ngunit hindi pumayag ang doctor. Kaya hindi na nagpilit pa. "Gaia." tawag pansin ni Synj sa dalaga na nakatanaw pa din sa malayo habang nakahiga sa upuan na parang pambeach at nakatabi ang aso na nakatulog na at hinahaplos haplos niya ito. Lumingon ito kay Synj. "Upo ka!" aya nito sa doctor sabay lumingon ulit sa tanawin na nasa harapan. Lumapit si Synj at umupo sa isa pang upuan na tulad ng kay Gaia. Isinandal niya ang mga likod sa sandalan at inilagay ang paa sa mahabang upuan. "Ito ba ang paborito kong lugar sa bahay na ito?" tanong ni Gaia kay Synj. Napangiti na lamang si Synj. Hindi niya maintindihan ngunit parang unti unting nagiging si Gaia ang babaeng nailigtas niya at pinipilit na maging kapalit ng yumaong asawa. Nakatingin na din sa magandang tanawin si Synj bago pa ito sumagot. "Yes Gaia. Ito ang paborito mong lugar sa bahay natin. Binili natin itong bahay dahil nainlove ka sa view na yan." Sa lugar na yun ay tanaw na tanaw ang bulkan ng taal at ang malawak na lawa na nakapaligid sa bulkan. "Synj." tawag pansin ni Gaia na nakatingin na sa doctor. "Hmmm?" "Kelan ako maooperahan?" tanong niya na nakatitig kay Synj. Lumingon na din sa kaniya ang doctor. "Dadalhin kita sa Manila. Dra. De Guzman is a well known plastic surgeon and a close friend of mine. She will be your plastic surgeon." masaya niyang tugon sa dalaga. "Ow. Okay." maikli nitong tugon at humarap na ulit sa kanina pang tinitignang tanawin. "Synj." tawag niya muli sa doctor. "Yes Gaia?" "Anong trabaho ko dati?" Napakunot ng noo ang doctor bago sumagot. "You are an interior designer." Matagal na nanahimik ang dalaga bago muli magsalita. "Ahh." maikli nitong sabi. "Synj." tawag biya muli dito. "Hmmm?" "Bakit mo ako nagustuhan?" "First of all your a softspoken person. Charming as if you can befriend everyone you meet. You have a good taste on everything. You can cook and bake. Most of all your smile captivated my heart." as if he was floating on cloud nine while he was stating those facts about his late wife. "Am I pretty? You never mentioned it." "Of course you are. You have the most angelic face I have ever laid eyes on. Di ko lang yun binanggit kasi physical appearance does not really define the love that I have for you." Napangiti ang dalaga na para bang naniniwala siyang para sa kaniya lahat ang sinasabi ni Synj. "Kaya ba kahit ganito ang itsura ko ngayon tanggap mo pa din?" malungkot ang boses na tanong ni Gaia sa doctor. Tumayo na si Synj sa kinauupuan at lumapit sa kinapepwestuhan ng dalaga at umupo siya sa harap nito. Hinaplos niya ang sunog na pisngi nito. "Yes my Gaia. I would always look at you with all the love that I have in my heart." masuyo nitong sabi habang pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Nag-iwas ng tingin si Gaia ng makaramdam ng pagkailang sa pagtitig ni Synj. Tumayo na ang dalaga sa pagkakaupo at iginiya na ang sarili paalis ng terasa. "Antok na ako. Saan nga pala ang kwarto ko?" agad nitong tanong. Tumayo si Synj at nauna na pumasok sa bahay at sinundan naman ito ni Gaia. Naglakad sila patungo sa second floor at nang maabot ang pinakadulong pintuan ay binuksan iyon ni Synj at inilahad ang kamay upang pumasok dun si Gaia. Agad na pumasok ang dalaga sa silid at pinasadahan ng tingin ang silid. Kulay pink ang kabuuan ng silid na iyon. May kama dun na may pink na bedcover at pati ang mga punda ng unan ay pink din ang kulay. Umasim ang mukha niya ng nakita ang kulay ng kwarto. Bumaling siya kay Synj. "Pink ang paborito kong kulay?" may ngiwi sa labi na parang sukang suka sa kulay na iyon. Napangiti si Synj. "Oo fave mo yan. Ikaw mismo ang nagdesign ng buong bahay at itong kwartong ito ang pinakatutukan mo. Sabi mo this is your pink haven." Napailing si Gaia na hindi makapaniwala na pink talaga ang paborito niyang kulay. "Are you sure na hindi joke itong kulay na ito ang paborito ko?" hindi pa din siya kumbinsido sa sinabi ng doctor. Napatawa nalang si Synj sa maasim na mukha ng dalaga na bakas ang di makapaniwalang nadiskubre sa sarili. "Can I change the color of this room?" pag-iba niya. Napasimangot si Synj sa narinig na sabi nito. 'No you can't!' bulong biya sa isip niya. Napansin ni Gaia ang nakasimangot na mukha ng doctor. "Okay hindi na po. Pagtyatyagaan ko na ito kung ito talaga ang paborito kong kulay." pagsuko niya at pagtanggap sa kwartong pink. Napangiti na si Synj ng sumuko ang dalaga sa pagkagusto nitong na palitan ng kulay ang kwarto. "Good night Gaia!" nakangiti bitong sabi at akmang hahalikan ang dalaga na siya naman ikinagulat nito at bigla nalang mabilis na nahablot ni Gaia ang braso nito at naipilipit sa likod nito. Hindi agad nakaimik si Synj sa pagkabigla sa ginawa ng dalaga. Unti unting binitawan ng dalaga ang pagkakahawak niya sa kamay ng doctor. Nahihiya siyang humingi dito ng paumanhin. "Pasensya na. Reflex." may ngiwi sa labi at nakakibit balikat. Hinawakan ni Synj ang nahawakang mahigpit na pulsuhan niya ng dalaga at hinaplos iyon. "Okay lang. Kasalanan ko binigla kita." paghingi niya ng paumanhin sa dalaga. Ngumiti si Gaia at humawak na sa pintuan na isasara na. Bago pa tuluyang maisara ang pintuan. "Good night Doc!" mahina niyang sabi at tuluyan ng isinara ang pinto. Matagal pang nanatili si Synj sa labas ng silid ng dalaga. Nag-iisip kung itutuloy niya pa ang plano. May pag uugali ang dalaga na katulad sa namayapa niyang asawa ngunit mas lamang ang pagkakaiba. Agad na humiga si Gaia sa malambot na kama at niyakap yakap ang mga unan. Hindi maintindihan ni Gaia bakit masaya siya ngayong araw sa simpleng magandang tanawin at lalo na ng makasama si Shady. Bigla siyang napatayo tila may biglang naalala. Humangos siya palabas ng silid ngunit pagtakbo niya palabas ay nabunggo niya ang isang bulto na nakaharap sa kwartong nilabasan niya. Natumba silang pareho at nang mag-angat siya ng tingin mula sa dibdib ng nabangga kita niya na hinahanplos ni Synj ang baba niya. Mabilis siyang umupo sa gilid ng hallway. "Bakit andito ka pa?" nagtataka niyang tanong na nakatingin sa doctor. Umupo si Synj mula sa pagkakatumba. "Ahmmm." hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa dalaga. Nakatitig pa din sa kaniya ang dalaga na parang nalilito. Ngunit bigla itong tumayo at tumakbo palayo sa kaniya Wala siyang nagawa kundi ang sundan ng tingin ito hanggang sa mawala sa paningin. Nanatili muna siya sa pwesto ng muling makita ang dalaga na kasunod na ang aso tumayo na siya at hinarap ito. Masaya itong nakatingin sa kaniya. "Nalimutan kong isama si Shady!" puno ng kasiyahan sa boses nito. "Ow. Okay. Itatabi mo siya?" ang tanging naitanong niya nalang. Tumango ang dalaga na parang bata at pumasok na sa silid kasunod pa din si Shady. Bago nito isara ang pinto. "Good night ulit doc."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD