CHAPTER 5

1106 Words
"Ready?" tanong ni Synj kay Gaia na nakahiga sa stretcher na dadalhin na sa operating room. Ngayon na ang schedule ng plastic surgery niya. Nakangiting tumugon ang dalaga. "Yep!" bakas sa mga mata nito ang excitement. "Doc Synj!" tawag ng isang may edad na doctor sa kaniya. Sabay silang napalingon sa tumawag na babaeng nakadoctor's robe na nakangiti sa kanila. "Doc Carmen!" masaya niya itong nilapitan at kinamayan. Iginiya ni Dra. Carmen muna palayo si Synj at binulungan. "Do you really want this lady to have your precious Gaia's face?" may pag-aalala sa boses na sabi nito. Tumingin si Synj sa direksyon ng dalaga bago muli tinignan ang kausap. "Yes! I have been observing her and double checked the results of her MRI. That part of her brain is totally blocked and there is no way she can remember about her past." puno ng kasiguruhan ang mga binitawang salita. "I am not worried about that. You are like a son to me. You'll just hurt yourself pretending. You need to move on and let Gaia's memory stay in your heart and not use someone else just to replace her." puno pa din ng pag-aalala bago umimik ulit na ipinatong na ang isang kamay sa kanang balikat ni Synj. "I'm just worried about you. She will never be Gaia." mahina pa din ang boses na sinabi nito. "I am taking that small hope to fill the void in my life. She's all I have and she came when Gaia died. I think Gaia meant to send her to me." tumikhim muna siya at nilingon ukit ang dalaga. "Thank you for your concern." may lungkot ngunit determinado na siya sa gagawing pagbuo muli ng buhay kasama ang bagong Gaia sa buhay niya. Nakatingin ang dalaga sa masinsinang usapan ng dalawa na lumayo pa sa pwesto niya para mag-usap. Nang nilingon siya ni Synj kita niya sa mga mata nito ang lungkot kahit pa ngumiti ito sa kaniya at agad na lumingon ulit si Synj sa kausap. Hindi maalis ni Gaia ang mga mata sa mukha ni Synj na ngayon niya lang talaga natitigan. Seryoso itong nakikipag-usap sa doktora. Malinis ang pagkakagupit ng buhok nito. Malinis ang mukha walang bigote o balbas mukhang araw araw nagsheshave. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata, mamula mula ang labi at kayumanggi ang kulay. Kita niya din ang tindig nitong napakapropesyunal. Napangiti siya sa nakita. 'Sure ka bang akin ka?' tanging naitanong niya nalang sa sarili. Lumapit na silang dalawa sa pwesto ni Gaia at sinenyasan na ang orderly na dalhin na ang dalaga sa OR. Hinawakan ni Synj ang kamay ni Gaia. "Mahal kita Gaia." sabay halik niya sa likod ng palad nito. Ngumiti ang dalaga sa kaniya. Masaya siya kasi hindi na ito masyadong malamig ang pakikitungo sa kaniya simula ng maiuwi ito sa bahay niya. Nang maipasok na sa OR ang dalaga ay umupo na siya sa upuan para sa mga nag iintay. Habang naghihintay ay may tumabi sa kaniya. Nang nilingon niya kung sino iyon ay medyo nagulat siya kasi di niya kilala ang tumabi na siya ding lalaking orderly na naghatid kay Gaia sa OR. "She's not really your wife." mahina nitong sabi sa kaniya na nasa boses nitong sigurado sa impormasyong iyon. Inalis niya ang tingin sa katabi at tumitig sa pinto ng operating room. Hindi niya pinansin ang kumakausap sa kaniya. "Pag nalaman nila kung nasaan at sino siya mapapahamak ka. Lalo na siya kaya kung ako sa iyo mas iingatan ko ang totoong pagkatao niya." tuloy pa nito. Nilingon ulit ni Synj ang kausap at kakausapin na ito sana, ngunit mabilis itong nawala sa tabihan niya. Napatayo siya at luminga linga sa paligid para makita ang lalaki. Nang hindi makita ang kumausap sa kaniya. Umupo muli siya sa pwesto niya at napasabunot sa sariling buhok. 'What the hell! Sino ka nga ba? Tama ba ang pinasok ko?' Napuno siya ng pag-aalangan sa mga narinig mula sa lalaking kumausap sa kaniya. Alam niya sa sarili na determinado na siya sa plano niya. Sandali lang ang pagkausap sa kaniya biglang nagulo lahat at napuno siya ng pangamba. Nasa gitna siya ng pag-iisip ng may tumapik sa balikat niya na siya niya namang ikinagulat. "Oh. Bakit ganyan itsura mo?" natatawang bungad sa kaniya ni Ralph na umupo na sa tabi niya at iniabot ang isang paper cup na may lamang kape na siya niya namang inabot agad. "Anong ginagawa mo dito?" pag aalangan niyang tanong at sumimsim ng kape sa hawak na cup. "Moral support man!" sabay tapik sa balikat niya. "Bakit para kang nakakita ng multo kanina?" bago sumimsim din sa kape niya. "Mali ata ako!" tanging sambit niya na nagbigay naman ng kaguluhan sa mga mata ni Ralph at umupo ito ng patagikid at tinignan siya. "Bakit mo naman nasabi yan? Ngayon pa talaga na inooperahan na ung dalagang iyon. Ngayon ka pa talaga nag alangan!" may konting iritasyon sa boses ng kaibigan. "May nakakaalam na di siya si Gaia." malungkot nitong sabi. "WHAT?" bakas ang gulat sa boses ni Ralph at napatayo pa. "s**t man! Ano itong pinasok mo?!" sabay upo at napasabunot na din sa sariling buhok. Umiling iling si Synj na para bang mas lalong naguluhan at nagsisisi sa naging desisyon. "Synj ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo eh. Dapat pinag-isipan mo g maigi ito. Wala tayong alam tungkol sa babaeng yan." bakas pa din ang inis sa boses niya. Natigilan si Ralph nang hindi pa din sumasagot ang kaibigan. Pinilit ni Ralph pakalmahin ang sarili bago ulit kinausap ang kaibigan. "Sino ba ang nakausap mo?" "Isang lalaki na tumabi sa akin kanina. Siya ang orderly na nagpasok kay Gaia sa OR." mahina pa din ang boses na nagkwento. "Orderly?" naguguluhang tanong ni Ralph. 'Does that mean that someone is tracking her?' Tumatakbong tanong sa isip ni Ralph. Tumayo si Ralph at umupo sa harap ng kaibigan para magpantay sila. "Man! Think! Kilala kaya nung lalaking nakausap mo ang dalagang iyon and please stop calling her Gaia for the meantime." Nag-angat ng tingin si Synj kay Ralph. "What will I do?" pause. "I already told her that she's my wife and she is Gaia. Wilk I abandon her?" nangingilid na ang mga luha na may pagkalito at lungkot sa mukha at boses nito. "We need to talk to that man. Siya lang ang makakasagot sa atin." tinapik tapik niya ang balikat ng kaibigan bilang pagdamay dito. "Sabi pa niya na pag nakita nila at nalaman ang totoong katauhan ng dalagang iyon delikado para sa akin at lalo na sa kaniya." parang wala sa sarili si Synj na binanggit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD