Somewhere in the middle of nowhere.
"Sly!" tawag ni Rainbow sa kadarating lang na binata.
"Rain!" nakangiti niyang bati sa dalagang papalapit sa kaniya. "It's done." masaya niyang balita dito.
"So. We will just let go of her?" tanong naman ni Star sa binata habang nililinis ang baril na hawak.
"We'll monitor her. When she finally remembers us. I know she'll be back." puno ng kasiguraduhan ang boses ni Sly sa sinabi na may ngiti sa labi.
Nasa isang liblib na lugar na malayo sa kabihasnan ang kampo nila. Kung saan dinadala ang mga batang wala ng magulang o kukupkop. Kakaibang ampunan ito kaso dito ay wala silang birthday o legal na pagkakakilanlan.
Pinalaki sila para maging magaling na assassins. Mapababae man o lalaki. Bawal dito ang mahina.
Isa si Sly sa mga trainor at handler ng mga assassins at computer hackers.
Sa grupo niya nabibilang si Gaia.
"Sly alam mo ba ang itsura niya na ngayon?" tanong ni Rainbow.
"Hindi ko na inalam. Alam niyo na hahanapin siya ng mga nakatataas. Ayaw ko munang maguluhan siya at mapahamak lalo na ngayon sa sitwasyon niya." paliwanag ni Sly kay Rainbow na nagpatango tango lang.
"Sly!" tawag ng isang babae na nasa mid 30's na. Palapit ito sa kinapepwestuhan nila.
"Monique!" nakangiting bati ni Sly sa palapit na babaeng nakasuot ng hapit na blouse at skinny jeans. Kitang kita ang kaseksihan nito na may balinkinitang bewang at may mayayaman na dibdib.
Napatingin si Rainbow sa sariling dibdib at nilingon ulit ang dibdib ng papalapit na dalaga.
"Rainbow stop doing that. Pag umedad ka na lalaki din yan." pabiro nitong sabi nang mapansin si Rainbow sa ginawa.
Napangiti nalang ang dalaga at umupo para ayusin ang mga gagamitin sa misyon niya.
Umiling iling nalang si Monique at nilapitan na ng tuluyan si Sly.
"Nakita mo na ba siya?" agad nitong tanong nang makalapit sa binata.
"Nope and I am not planning to look for her." may tigas sa salitang lumabas sa bibig. "If she's going back and then she will be. Alam niyo naman na gustong gusto niya ang ginagawa niyang trabaho dito. Sa lahat ng hinahandle ko siya ang lumaki na sa lugar na ito. This is her natural environment."
Tumango tango si Monique. "We'll never know Sly. Baka nagsawa din. It's been what a month now?"
"Monique! Monique! Monique! We will find her once she wants to be found." nakangisi niyang sagot.
"Hindi pa din ba siya nakikita?" tanong ng bagong dating na dalaga na nakasukbit pa ang samurai sa likudan.
"Moon!" nakangiting nilapitan ni Sly ito.
"Sly!" mataas ang boses sa pagkakabanggit ng pangalan ng handler at nakipagfist bump ito nang makalapit kay Sly. "Done with my mission!" masaya nitong ibinalita.
"Good! Pahinga ka na muna. May lakad si Star, Cloud at Rainbow." sabi niya dito at ginulo ang buhok na nakaponytail.
"Sama ako!" sabi ni Moon kahit kababalik lang.
Tumayo si Star para akbayan si Moon. "Pahinga ka nalang. Madaya ka nga sinolo mo ang misyon mo eh." may pagtatampo sa boses nito.
"Ako kasi di ba ang itinuro niyong lahat." may sarkasmo nitong sagot kay Star.
"Ehehe. Oo nga pala." natawa na lang ito nang maalala.
"Sa sunod na kayo magsama sama. Kaya na ng tatlo yung misyon na iyon." paliwanag pa ni Sly.
Tumayo na sila Rainbow at nilapitan na si Star.
"San na si Cloud?" tanong ni Rainbow kay Sly.
Nilingon ni Sly si Rainbow. "Nasa site na. Pinauna ko na dun. Sumunod nalang kayo."
"Ahh. Okay Sly! Alis na kami." paalam ni Rainbow.
"Byeyiii!" makulit na paalam naman ni Star at kumaway pa sa mga naiwan.
"Kulit talaga ng mga alaga mo." naiiling na komento ni Monique kay Sly.
"Kahit ganyan sila, pag trabaho seryoso na sila." nakangiti nitong pagmamalaki sa dalaga.
"Agree!" boses ni Moon na sumingit.
"Masyado mong nabebaby ang mga alaga mo. Baka nalilimutan mo one day pag wala na silang silbi dito ikaw mismo ang kikitil ng buhay nila." pagpapaalala ni Monique.
"Alam ko yun at alam din nila ang tungkol dyan. Kaya nga pinaghuhusayan nila ang trabaho." pagsisiguro niya sa dalaga.
"Merciless killer ang mga yan. We don't need emotions Sly. Remember Tara she became so soft kaya nawala siya sa focus." sabi ni Monique na parang babala.
Tara is one of the best assassin pero nainlove ito at nabuntis kaya tumakas. Nang makita ito ay shoot to kill ang order. They never know kung saan ang naging anak nito.
Ang mga kasapi ay bawal magkaroon ng karelasyon. Pero hindi naman maiiwasan ang pakikipagkaibigan. Lahat sila ay alam ang batas na ang utos lang ng nakatataas ang tanging batas.
"Lighten up Monique. Lahat sila lumaki dito ang edukasyon nila ay mula lang dito." nakangiting sabi ni Sly kay Monique
Napailing muli si Monique. "Sly just a reminder hanapin mo na si Sky."
***
Nasa isang mataas na building si Cloud at nakasilip sa sniper scope niya. Inaabangan na ang target.
"Cloooooud!" matinis na boses ni Rainbow na tinawag siya. Hindi niya ito nilingon kasi nakafocus siya sa inaabangang target.
Ngumuso si Rainbow ng hindi pansinin ni Cloud. Tinawanan naman siya ni Star.
"Tawa ka diyan." singhal niya kay Star.
"Alam mo naman pag yan nakafocus bingi yan." paliwanag ni Star sa nakanguso pa ring si Rainbow.
Lumapit na sila sa pwesto ni Cloud. Nilabas na nila ang scope nila para makita na din ang sinisilip ng kasama.
"It's game time!" sabay na sabi ni Star at Rainbow.
Lumingon si Cloud sa dalawa. Seryoso pa din ito at di umiimik.
May pagtataka sa mukha ng dalawa sa uri ng tingin ni Cloud.
"Cloud? Problema mo?" inis na sabi ni Star.
"Si Sky." tanging nasabi lang ni Cloud na unti unti na nagpapakita ng emosyon ang mga mata.
"Nakita na siya ni Sly. Pero ayaw niya na muna puntahan." kwento ni Rainbow.
"Bakit?"
"Wala siyang maalala. Masama ang tama ng ulo niya sa nangyaring pagpapasabog ng motor niya. Kala nga ni Sly namatay na siya pero may nakakitang mga tao at saktong may doctor na andun sa pinangyarihan." tumikhim muna si Rainbow bago nagsalita ulit. "Wala siyang maalala tungkol sa sariling buhay niya."
"Hahabulin pa din siya ng mga nakakataas." pag aalala ni Cloud.
"Sunog daw ang mukha niya kaya ung kumupkop na doctor ang nagpaayos ng mukha niya. Hindi na inaalam ni Sly kung ano ang bago niyang itsura para kahit itanong ng Org hindi siya magsisinungaling." dagdag pa ni Star.
Tumango tango si Cloud sa pagsang-ayon sa paliwanag ni Star at Rainbow. "Bakit di niyo kasama si Moon?"
"Ayaw ni Sly pasamahin kasi kababalik lang mula sa misyon niya." ani Star.
"Kakamiss nga na kumpleto tayo ano." may bahid ng lungkot sa boses ni Rainbow.
"Babalik din si Sky. Tignan niyo maya maya andito na siya." puno ng pag-asa sa salita ni Cloud.
"So are we done with our drama? Let us begin with the fun part." masiglang aya ni Star na kumikislap ang mga mata sa excitement.
Agad na pinusisyon ni Cloud ang Rifle niya at sinipat ang sniper scope.