Habang patuloy na hinostage ni Ricardo ang lalaking kasamahan ng mga inutusan nina Paulo ay hindi napaghandaan ni Ricardo ang biglang malakas na pagsiko sa kanya ng kanyang hinostage. Napapiliit siya sa sakit at biglang inagaw sa kanya ang kanyang baril na hinawakan, nakipag agawan naman si Ricardo rito at hindi binitawan ang kanyang baril na inagaw nito. " Tumigil ka Ricardo!" Malakas na sigaw sa kanya ng isang leader ng grupong iyon kasabay ng isang malakas na pagpaputok at dumagundong iyon sa loob ng kubo. Biglang tumalsik ang dugo mula sa balikat ni Ricardo, binaril at natamaan siya sa balikat! Akma sana siyang gaganti sa pagbaril ngunit muli siyang binaril ng isa sa mga ito at muli siyang natamaan sa kanyang kamay! " Ricardo!!!" Di napigilang sigaw ni Elaiza na lumabas mula sa il

