Patuloy siyang tinitigan ni Ricardo na nagtataka kung anong ibig niyang sabihin. "Please, pakilinaw ng maayos, Aurora." Ani Ricardo sa kanya. Hindi niya maiwasang atakehin ng kaba sa harap ni Ricardo. " Ricardo, makinig ka, kailangan mo agad na makaalis ngayon din sa kubong ito, sundin mo lang ako, please, umalis ka na ngayon din sa kubong ito dahil nasa peligro ang buhay mo. Ricardo, hindi ako sang-ayon sa mga plano nila sa'yo. May mga inutusan sila upang tirahin ka ngayong tanghali na 'to, kaya dapat na aalis kana agad ngayon din dito!" Namumutla nang wika ni Elaiza. Nanlaki ang mga mata ni Ricardo sa narinig mula sa kanya. At biglang nagalit ang mukha nito. "Sino? sino ang mga taong yan na gusto akong ipatira?" Salubong ang mga kilay na tanong ni Ricardo at galit na ang mukha

