Nagtataka naman si Ricardo kung bakit bigla nalang nagbago si Aurora, noong nandito sila ay mabait naman ito sa kanya at nakikita niyang nagkagusto din ito sa kanya ngunit ngayon ay bigla nalang itong nagbago na hindi niya maintindihan. Napaisip ng malalim si Ricardo. Pero ang patuloy lang ang kanyang pagpapaimbistiga kay Aurora ngayon. Gusto lang niya talagang malaman kung sino ang babaeng halos magkatulad sa kanyang asawa. Galit at inis na talaga si Paulo dahil nahalata nitong nagkagusto si Ricardo kay Aurora o Elaiza. " Uuwi na ba kayo ni Elaiza sa maynila iho?" Tanong ni Seniora Teresa isang umaga sa anak. Hindi nakaimik agad si Paulo. Parang ayaw na muna nitong uuwi dahil may masamang balak na naman ito kay Ricardo. "Mommy, gigil na gigil na talaga ako kay Ricardo." Ani Paulo

