Hindi alam ni Elaiza kung paano matatakasan ang presensya ni Ricardo. Parang hindi pa ito nakaramdam ng takot na makipag-usap sa kanya at iyon pa ng sasabihin nito. Wala naman siyang alam sa mga pinagsasabi nito tungkol sa may nangyari daw sa kanila nito. Wala siyang maalala tungkol sa nangyari sa kanila. Nakita niyang nakatitig lang ito sa kanya habang nasa harapan niya ito. Tatayo na sana siya ngunit dumating naman si Paulo. Nakita kasi nitong sila lang dalawa ni Ricardo sa mesang inookopa niya at ng Ina nito kaya parang hindi nito nagustohan na nakipag-usap si Ricardo sa kanya. " Excuse me, wala kabang ibang kainuman, Ricardo?" Tanong pa ni Paulo kay Ricardo. Nakahinga pa siya ng maluwag nang lumapit si Paulo. Ayaw niyang makipag-usap ng matagal kay Ricardo baka tuloyan siyang di

