Sa galit ni Paulo na sumuray siya sa isang pagsipa sa kanya ni Ricardo ay mabilis itong umayos at muli sanang susugod kay Ricardo ngunit biglang dumating si Don Manuel at galit na pumagitna sa kanila. Habang si Ricardo naman ay kampante lang na nakatingin kay Paulo. " Ano bang problema niyo ha!? bakit kayo nag-aaway?!" Galit na tanong ni Don Manuel Saavedra. " Tanungin mo siya Papa, dahil hindi ko rin alam eh, kung bakit galit siya sa akin at bigla nalang sumugod at nanununtok." Napakuyom ang kamaong wika ni Ricardo. Napatingin naman si Don Manuel sa kanyang Step son. " Paulo, Why?" Tanong ni Don Manuel. "I'm sorry, Tito! pero wala akong tiwala sa anak niyo! alam kong matinik siya sa babae at masama ang iniisip ko tungkol sa nangyari kahapon sa asawa ko na kasama siya!" Malakas

