CHAPTER 4

1569 Words
Hindi nakaimik si Elaiza sa mga sinabi ni Paulo. Sa isipin palang niyang lolokohin siya ni Ricardo ay pinanghinaan na siya ng lakas. Huwag naman sanang mangyari ang mga negatibong sinabi ngayon sa kanya ni Paulo. Napansin naman ni Don Manuel ang pag-iiba ng hitsura ni Elaiza dahil sa birong iyon ni Paulo. "Masanay ka na kay iho Paulo, iha Elaiza, kung alam mo naman sa sarili mong mahal ka ng anak ko at kung may tiwala ka kay iho Ricardo ay hindi ka mag-isip ng masamà." Sabi naman ni Don Manuel. Parang nahiya naman si Elaiza sa sinabing iyon ng ama ni Ricardo. Natawa naman si Paulo nang mapatingin kay Elaiza. "Biro lang, Elaiza. Pwede ding maging totoo, depindi kay Ricardo." Nakangising wika ni Paulo. " Paulo, enough. Baka mamasamain ni Elaiza ang mga sinasabi mo." Saway pa ni Seniora Teresa. Gustong-gusto ni Paulo ng lihim si Elaiza at gigil ito kay Elaiza. Sa isip nito ay ang swerte ni Ricardo dahil isa pa itong tagapagmana ay pag-aari pa nito si Elaiza. Gumanda kasi ng gumanda si Elaiza kaya na attract rito si Paulo sa unang pagkakita nito sa asawa ni Ricardo. Pagdating naman ni Ricardo mula sa pag check nito sa bagong itinanim na produkto kahapon ng hapon sa mga tauhan ng Hacienda ay tumungo na ito sa komedor upang mag-almusal. Nakita nitong may mga nakahanda ng pagkain roon na tinatakpan nalang. " Seniorito, kakain na po ba kayo?" Tanong pa ni Aling konsing na isa sa mga katulong ng Villa. "Yes, Manang. Si Elaiza, tapos na ba ang asawa kong mag-almusal?" Tanong ni Ricardo. " Ay Oo, Seniorito. Sumabay siya sa kanila ng Papa mo nag almusal." Sagot nito. "Ahh, ganoon po ba." Ani Ricardo. Mabilis na kinuhaan ni Aling konsing ng Plato at kubyertos si Ricardo at hinandaan agad ito ng tubig sa baso. Mabilis nitong kinuhaan ng mga takip ang pagkain. " Kain na po kayo agad, Seniorito, delayed na po ang almusal niyo lampas alas otso na po ang oras." Ang sabi pa ni Aling konsing. " Thank you, Manang." Tugon ni Ricardo. Nakita naman ni Manang konsing ang paparating na si Elaiza at sumenyas pa si Elaiza rito na huwag itong maingay na nariyan ito. Habang kumakain si Ricardo ay bigla nalang itong yumakap sa likod ni Ricardo. "Hi, mahal!" Nakangiting sambit na bati ni Elaiza habang napangiti. Saglit namang nagulat si Ricardo. At pagkuwa'y napangiti na rin ito. Nakangiti nalang din si Aling konsing na nakatingin sa kanila. "Ikaw talaga, lagi mo akong ginugulat. 'Lika, saluhan mo ako, mahal, para mas lalong gagana ang pagkain ko." Nakangiting wika ni Ricardo. Humiwalay si Elaiza mula sa pagkakayakap sa likod ng asawa at tumabi rito. " Sige nga, sasaluhan kita kahit busog ako." Ani Elaiza sa asawa. "Wala na po ba kayong iuutos, Seniorito? Maiiwan ko muna kayo. Total, nariyan naman si Seniorita Elaiza." Ang sabi at paalam pa ni Aling konsing. " Oh sige po, Manang, wala na po akong iuutos." Sagot naman ni Ricardo. Nang maiiwan Silang dalawa sa Komedor ay agad nagsasalita si Elaiza sa asawa. " Alam mo ba, Mahal, naiinis ako kanina kay Paulo." Sabi ni Elaiza. " Uhhmm? bakit?" Tanong ni Ricardo rito. "Ang sabi niya kasi ay dapat daw akong sasama sa'yo kung aalis ka, baka daw makahanap ka ng iba at ipagpalit mo ako, di daw kasi imposible na lalapitan ka ng mga babae dahil bukod sa kinilalang Heredero ka ng mga Saavedra ay may hitsura ka pa." Malungkot na wika ni Elaiza. "Elaiza, hindi na kita mapapalitan, mag-asawa na tayo. At ikaw na ang makakasama ko sa habang buhay. Huwag mong pakinggan si Paulo. Nanunudyo lang yun." Sabi pa ni Ricardo. "Hmmm.. promise me Ricardo?" Sabi pa niya rito. "Ano kaba, Yes, Elaiza." Sabi pa ni Ricardo sa Asawa. " Kaya huwag kanang mag-isip ng hindi maganda, okay?" Ani Ricardo sa asawa. " Thank you, mahal. Ewan ko lang kung anong mangyari sa akin kung ipagpalit mo ako. Kanina pa ako hindi mapalagay sa pag-iisip eh, Kaya natuwa ako nang dumating kana." Sabi ni Elaiza. " Kawawa naman ang asawa ko. Huwag mo nang iisipin ang bagay na 'yan okay?" Ani Ricardo. " Okay. ." Ani Elaiza na parang napanatag ang loob. Nagmamasid na lang siya sa asawa habang kumakain ito. At dessert nalang ang kanyang kinakain. Lumipas ang isang buwan ay patuloy ang masayang pagsasama nina Ricardo at Elaiza. At anak nalang talaga ang kulang sa kanila upang maging buo ang ligaya nila sa isa't isa. Isang Araw, habang naglilibot si Ricardo sa Hacienda upang titingnan ang ilang hectares na prutasan, sabi kasi ng isa sa mga nagbabantay ng mga prutas ay pwedi na raw ma-harvest ang mga bunga this week kaya chineck niya kung totoo nga ba. Nakita nga ni Ricardo na may maraming alanganing hinog na ang mga prutas. Mga sari-saring prutas iyon. Mga Lansones, Orig na mangga, Chicos, Avocado, Marang, Rambutan, at iba pa. Napakaraming prutas roon. Maganda din ang view ng buong hacienda dahil makikita ang malaking bundok ng Mount Mandalagan Sa hilagang-silangan ng lugar na iyon. Pagkatapos nag survey ni Ricardo ay nagpunta naman siya sa malapad na Gulayan nila, kung saan may mga tauhan ding nagtatrabaho roon. Nakita ni Ricardo na may mga tauhan Silang nag-aalaga roon sa mga gulayan. Hangga't napansin niya ang isang babaeng nakatalikod. Parang pamilyar sa kanya ang porma ng babae. Tumigil siya roon at pumanaog mula sa kanyang kabayong sinakyan at itinali iyon sa Isang malaking punong kahoy. Nagulat pa si Ricardo nang bumaling sa kanya ang babae at nakita agad na puno sa luha ang mga mata nito. Di nga Siya nagkamali! kilala nga niya ito. Si Melanie, ang kanyang dating kasintahan, ang best friend ng asawang si Elaiza! " M-Melanie??" Gulat pa niyang tanong at sambit sa pangalan nito. Di agad maiiwasan ni Ricardo na mag-alala rito kung bakit ito umiiyak kahit galit na galit siya rito dahil sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanya noon. " Ricardo!!" Anitong tuloyang umiyak at lumapit agad sa kanya. Walang pag- alinlangang niyakap siya nito ng mahigpit. Natigilan naman si Ricardo sa pagyakap ng mahigpit sa kanya ni Melanie. Ngunit kinalas agad ito ni Ricardo, baka makita sila ng mga tauhan. May nakakita na ngang iba sa biglang pagyakap sa kanya ni Melanie. "Ano bang ginawa mo, Melanie? at bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ni Ricardo. "Ang totoo ay hinintay talaga kita sa araw na ito, Ricardo. Dahil ang pagkakaalam ko ay araw-araw kang nandito naglilibot. Miss na miss na kita, Ricardo. Hindi ko pala kayang tuloyan kang mawala sa akin. Alam kong pinakasalan mo ang kaibigan ko at hindi nga ako makapaniwala na magawa ito ni Elaiza sa akin. Nabalitaan ko ang nangyari sa'yong buhay ngayon, nakakahiya sa'yo na lumapit ako sa'yo dahil langit ka na ngayon at mahirap ng abutin ang tulad mo, lalo na't asawa mo na si Elaiza. Pero kailangan kitang makausap, kailangan mong malaman na ikaw parin hanggang ngayon." Humagulhol na wika ni Melanie. Parang kinurot naman ang puso ni Ricardo na nakatingin sa babaeng labis niyang minahal habang ito'y umiiyak sa kanyang harapan. Ngunit huli na ang lahat dahil may asawa na siya at iyon ay si Elaiza. "Napakasayang ang lahat na pinagsamahan natin, Melanie. Pero magsisi ka man, huli na ang lahat, may asawa na ako at iyon ay si Elaiza." Sabi ni Ricardo. "Traydor si Elaiza! tinraydor niya ako, Ricardo! inagaw ka niya sa akin!" Malakas na iyak ni Melanie. "Hindi niya ako inagaw mula sa'yo, Melanie! ikaw mismo, alam mo kung ano ang ginagawa mo, ikaw ang nagloko sa akin, iniwan mo ako at ipinagpalit sa mayaman at si Elaiza ang nasa tabi ko ng mga sandaling labis mo akong sinaktan! at ngayong alam mo na siguro ang takbo ng buhay ko ngayon ay bigla ka nalang babalik at nagsisisi sa lahat ng ginawa mo?." Galit na wika ni Ricardo rito. "Nagbalik ako hindi dahil sa mayaman ka na, kundi dahil mahal na mahal pala kita, Ricardo at hindi ko pala kayang mabuhay kong wala ka. Labis kong pinagsisihan ang lahat sa ginawa kong pagpapasakit sa'yo. Huhu, patawarin mo ako, Ricardo.." Patuloy na umiiyak ni Melanie. " Oh Sige, Pinapatawad na kita, Melanie. Wala na rin namang silbi kong patuloy parin akong magngitngit sa'yo. Kahit ano pang gagawin natin ay nakalipas na ang lahat at sinaktan mo na ako, tapos mo na akong iniwan. At okay na ako ngayon." Ani Ricardo rito. " Pero alam kong mahal mo parin ako hanggang ngayon Ricardo. Alam kong di mo agad ako nakakalimutan.." Patuloy na wika ni Melanie. " Kung sasabihin kong Oo, tama ka, Mahal parin kita, Melanie, pero hindi na maaari, may asawa na ako at mahal ko na rin si Elaiza. Layuan mo na ako, Melanie. Wala kanang mapapala pa mula sa akin, ang mahalaga ay napatawad na kita. Sige na, umalis ka na." Pagtataboy ni Ricardo sa dating kasintahan. " Hindi, tatlong taon tayong nagmamahalan, Ricardo. Saglit lang akong nagkamali ay bumida na agad ang ahas kong kaibigan, babawiin parin kita, Ricardo!" Disperadang wika ni Melanie. " Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo? umalis ka na, Melanie! huwag mo na kaming gulohin ni Elaiza!" Galit na wika ni Ricardo rito. "Ngayong alam kong mahal mo parin ako ay hindi ako titigil hangga't hindi ka babalik sa akin, Ricardo!" Parang baliw na sigaw ni Melanie. Dahilan upang pinagtitinginan sila sa mga tauhan sa Hacienda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD